Ang kawayan
September 25, 2002 | 12:00am
BAMBUSA Vulgares ang scientific name ng kawayan.
Kapag bumabagyo maraming puno ang nababali at nabubuwal ngunit ang kawayan ay nananatili sa kanyang kinatatayuan at hindi napipinsala. Mapupuna na kahit na anong lakas ng hangin at ulan, ang kawayan ay hindi matinag dahil hinahayaan nito na hampasin siya ng hangin. Hindi niya sinasalungat o kinokontra.
Isang makata ang nag-ugnay sa katangiang ito ng kawayan sa buhay ng tao na kadalasan ay maraming bagyo ng mga problema ang nararanasan subalit nananatiling matatag at matibay at hindi hinayaang matalo ng mga pagsubok.
Sa dakong huli ay muling nakatatayo sa pagkakadapa at malakas ang loob na hinaharap ang anumang suliranin.
Maraming gamit ang kawayan. Sa pagtatayo ng bahay gamit ang kawayan bilang sahig at dingding. Gamit din ito bilang bakod at balag para sa mga gumagapang na halaman. Ginagawa rin itong lamesa, silya, laruan ng bata at iba pa.
Lunas din ang kawayan sa maraming sakit. Ang nilagang dahon ng kawayan ay ginagamit na panglanggas sa sugat. Ang labong ay mayaman sa iron at carbohydrates kaya mabuti sa mga anemic.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended