^

PSN Opinyon

Ano nga ba ang 'tried and tested formula'?

KRUSADA - Dante L.A.Jimenez -
ANG pagkidnap sa mga anak ni Negros Occ. Rep. Jules Ledesma ay kagimbal-gimbal at kasuklam-suklam. Bagamat ligtas na ibinalik ang mga bata, marami ang naiintriga sa pamamaraang ginawa ng mga awtoridad. Mismong si Rep. Ledesma ang nagsabi na ang pamamaraang ginawa ay ‘‘tried and tested formula.’’ Maraming usapan ang lumutang na binayaran ng ransom ang mga kidnapper subalit itinanggi naman ito ni Ledesma.

Bilang isang biktima, nauunawaan ng lahat si Ledesma kung bakit hindi nito ibinabahagi ang kanyang nalalaman sa pagkakidnap sa dalawang anak. Ngunit bilang mambabatas, kailangan niyang ipaalam sa taumbayan ang mga tamang hakbang upang maiwasan, kundi man masugpo ang nangyayaring kidnapping sa bansa.

Hanggang ngayon mahiwaga pa rin ang sinabi ni Ledesma, na ‘‘tried and tested formula’’. Hanggang ngayon wala pa ring balita tungkol sa mga kidnapper. At ito ang tanong na kumakalat. Paano maituturing na isang mabisang paraan ang ginawa nina Ledesma kung hanggang ngayon ay wala pang alam tungkol sa mga kidnapper?

Hanggang sa bayaran na lamang ba matatapos ang kasong ito? Ganito rin ba ang dapat nating asahan sa mga susunod pang pangyayari?

Masasabi nga bang ‘‘tried and tested’’ ang formula na ito? Kung ito’y para lamang sa pagsagip sa biktima at walang kasunod na hustisya para sa kanila, kayo na ang humusga.

BAGAMAT

BILANG

GANITO

HANGGANG

JULES LEDESMA

LEDESMA

MARAMING

MASASABI

NEGROS OCC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with