Kamay na bakal ni Chief Supt. Ike Galang

NANINDIGAN si Region 4 PNP Chief Supt. Ike Galang na gagamitan niya nang kamay na bakal ang mga gambling lord at drug lord na may operasyon sa kanyang lugar kahit na sino pa raw ang padrino ng mga ito.

Hawak ni Ike ang kanyang balls nang magkausap kami noong isang araw hinggil sa isyu ng talamak na sugal sa Cavite. Centralized na kasi ang jueteng operation ngayon doon sapagkat pinapayagan ng mga kurap na pulitiko.

Ang grupo ni supsupin este mali Cupcupin pala, ang sinasabing kabig ng asawa ng isang senador at bigtime financer ng jueteng sa Dasmariñas, Cavite City, Rosario, Noveleta at Imus! Gov. Ayong Maliksi, take note.

Limandaang libong piso (P500,000) kada araw ang kinikita ng mga nagpuputa este mali ng mga juetengeros sa nasabing lugar. Paging Ask Force este mali task force Jericho pala.

Sa bahay ni Boy Luga, sa Ligtong, Rosario, ginagawa ang dayaan na bolahan at sa may likuran ng Bautista hospital sa Barangay Caridad sa balwarte ni Litang Kabayo ang isa pang bolahan. DILG Secretary Joey Lina, Your Honor.

Kambiyo isyu, babakbakan pala ni Ike ang jueteng operation sa Lucena City porke hindi pala alam talaga ni Mayor Talaga ang nasabing number game?

Si Amato at Boy Argumento ang nagmamanipula ng sugalan doon. Matindi raw ang intelihensiyang tinatanggap ng mga kukurap-kurap na pulis sa nasabing lugar kaya hindi ito mapigilan. Kasama raw sa tara ang mga kamoteng pulis sa Region 4, intelligence unit. PNP bossing Jun Ebdane, Sir.

Apat na beses ang bolahan sa isang araw. May P2 million kada araw ang kita ng dalawang unggoy sa mga lugar na sakop ni Mayor Talaga? Pero Mayor Talaga hindi mo ba alam talaga ang sugalan sa Lucena City, just asking?

Tukoy ni Ike, na marami ring gumagamit ng murotgara sa Lucena City kaya naglipana rito ang mga dupangeros na hindi na halos makatulog sa buong magdamag na walang ginawa kundi ang bumatak.

‘‘Sa palagay mo ba paparte sa illegal si Ike?’’ tanong ng kuwagong mangangaret ng tahong.

‘‘Sa palagay ko tutuwid ang mga paa nila kapag hindi sila tumigil sa kanilang mga kalokohan,’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Matigil kaya ang jueteng sa Cavite?’’ tanong ng kuwagong kotong cop.

"Iyan ang itanong natin kay Col. Sammy Pagdilao.’’

‘‘Sa palagay mo ba pati ang jueteng sa Lucena ay kayang pahintuin ni Ike?’’

‘‘Basta tumaas ang kanang kamay niya at nagbigay ng hudyat tiyak."

‘‘Ano?’’

‘‘Iyan ang abangan natin!’’

Show comments