Malonzo et. al pinagbabayad ng P.6-M danyos dahil sa Pangarap Village controversy
September 20, 2002 | 12:00am
NAPAHIYA ang Malonzo administration sa Pangarap Village controversy nang pagmultahin ng P.6 million sa Carmel Development, Inc., kompanya ni Greggy Araneta. Para sa kaalaman ninyo mga suki ang lupain sa Pangarap Village ay pag-aari ng mga Araneta .
Nakaiskor ang developer ng kontrobersiyal na 156-ektaryang lupain sa Pangarap Village matapos atasan ng Korte si Caloocan City Mayor Reynaldo Malonzo at ang konseho ng lungsod na magbayad sa mga Araneta ng P.6 million bilang danyos.
Sa desisyong ipinalabas ni Caloocan City Regional Trial Court Branch 131 Judge Antonio Fineza noong Aug. 20, 2002, pinagmumulta ng P610,075.00 sina Malonzo, Vice Mayor Tito Varela at ang buong konseho ng lungsod.
Nag-ugat ang kaso matapos magharap ng petisyon ang Carmel Development, Inc. laban sa City Council Resolution 1198, Series of 2001 na nagbigay ng ganap na kapangyarihan kay Malonzo para pasukin ang Araneta Avenue sa Pangarap Village at alisin ang mga steel gates na inilagay ng kompanya. Batay sa court record, ang naturang resolution ay isinalang at inaprubahan ng konseho noong Oktubre 8, 2001.
Sa naging depensa ni Atty. Nestor Francisco, legal council ni Malonzo at ng iba pang respondent, sinabi nito na ang resolution ay isa lamang uri ng ekspresyon o pagpapahayag ng opinion. Ayon naman kay Judge Fineza, ang nilalaman ng Resolution 1198 ay hindi isang uri ng simpleng opinion o pananaw bagkus ay ordinansang nagbibigay ng mandate kay Malonzo para sakupin ang Pangarap Village sa pamamagitan ng pagsira sa gate nito.
Binigyang-diin pa ng Korte na ang Araneta Avenue ay pribadong pag-aari ng Carmel at nakapaloob sa TCT No. 62605 mula sa Registry of Deeds ng Caloocan City.
Bahagi rin ng desisyon ng Korte ang paglalahad ng Article III Section I ng 1987 Constitution na nagsasaad na walang sinuman ang puwe- deng alisan ng buhay, kalayaan at ari-arian nang hindi isinasailalim sa prosesong legal.
Ito na ang pangalawa sa pinakahuling pagkapanalo ng kompanya ni Greggy Araneta III sa legal battle sa loob lamang ng ilang linggo. Nito lamang nakaraang linggo, ibinasura ng Caloocan City Regional Trial Court ang petisyon para sa pag-iisyu ng injunction sa Carmel Development Inc. na isinampa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Land Management Bureau (LMB) at Office of the Solicitor General.
Sa desisyon ni Branch 121 Judge Adoracion Angeles, sinabi nito na walang batayan ang kahilingan ng mga petitioner dahil ang Pangarap Village ay pribadong pag-aari.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended