Dagdag kaalaman

ALAM n’yo ba na sa Denmark ang mga batang ipinanganak kung winter ay mas matatangkad kaysa mga batang ipinanganak kung summer at iba pang season na meron doon. Ayon sa mga eksperto, ang fetal growth ay apektado ng klima.

Sa isa namang pag-aaral, sinabi na ang mga premature babies ay kadalasang mahina sa pag-aaral at sa paglaki ay reklamador, problemado at malimit mag-self pity.

Marami ang nag-aakala na ang pinaka-worst sea tragedy ay ang paglubog ng Titanic sa Atlantic Ocean pero mas higit ang nangyaring trahedya dito sa Pilipinas nang lumubog ang Doña Paz noong Disyembre 20, 1987. Mahigit 3,000 pasahero ang namatay.

Sa Kuala Lumpur, Malaysia matatagpuan ang pinakamataas na gusali sa mundo. Ito ay ang Petronas Tower na may 88 palapag. Ang Twin Towers sa New York na winasak ng mga terorista noong Setyembre 11, 2001 ang number three sa pinakamatatag na building sa mundo.

Alam n’yo bang ang itlog ng ostrich ang pinakamalaking itlog sa mundo? Ang itlog ng ostrich ay may lapad na anim na pulgada at tumitimbang ng 1.3 kilos.

Show comments