Congressman, tumatabo ng limpak-limpak na pera sa mga imbestigasyon
September 19, 2002 | 12:00am
ALAM nyo bang pinagkakakitaan ngayon ng isang congressman ang ginagawang imbestigasyon sa Kongreso?
Ayon sa aking bubuwit, 98 days na lang at Pasko na.
Happy birthday kay Pareng Jo Taruc ng DZRH; Vangie Samonte ng Goldilocks; Prof. Roger Ordoñez ng PUP; Athena Repuno, Amanda Repuno at Ms. Menchie Orlina ng Western Union.
Alam nyo bang ginagaya ng isang congressman ang modus operandi ng ilang tiwaling pulis para siya kumita?
Ayon sa aking bubuwit, ang congressman ay mahilig ngayong mag-imbestiga. Kapag merong isyu na sa tingin niya ay puwede siyang makadilihensya, ito ay kanyang dinadale. Kapag may nasilip siyang butas sa isang negosyo, ito ay kaagad niyang iimbestigahan sa komiteng kanyang pinamumunuan. Powerful ang hawak niyang komite kaya nanginginig ang mga negosyanteng iniimbestigahan.
Ayon sa aking bubuwit, ang isang isyung pinasok ni congressman ay ang importasyon ng mga second-hand at right-hand drive vehicles.
Aba, hindi pa nagtatagal ang kanilang imbestigasyon bigla siyang nagkaroon ng Mitsubishi Pajero.
Ang malungkot, pati ang kanyang mga alipores at mga bata-bata ay nagtuturo rin ng mga gusto nilang sasakyan sa isang auction yard sa Bulacan. Kaya ngayon ay galit kay congressman ang mga nasa car industry at mga manggagawa sa automotive. Ang biglang prinotektahan ni Congressman ay ang mga importers ng second-hand cars.
Ang daming pinanghihimasukan ni Congressman. Pati ang isyu ng semento, kahit ayos na ang problema sa presyo at supply ay pinakikialaman na naman. Hindi lang yan, pati isyu ng petrokemikal, plastik, at bakal ay pinapasok na rin niya.
Ayon pa sa aking bubuwit, ang kadalasang nagdadala sa kanya ng kliyente, este isyung puwedeng imbestigahan at pagkakitaan ay ang dalawang itlog na nagpapakilalang lider ng mga consumer. Ibig sabihin ikinakalakal nila ang mga consumer at mamimili.
Kung noon ay merong binansagang "Gang of Five" ngayon naman ay meron nang nagkukunwaring vigilanteng congressman.
Si Congressman ay handa namang manghalibas at makipag-areglo sa matitipuhang businessman.
Ayon sa aking bubuwit, ang vigilanteng congressman kuno para mag-imbestiga at kumita ay walang iba kundi si Congressman A. as in Ang Lagay.
Ayon sa aking bubuwit, 98 days na lang at Pasko na.
Happy birthday kay Pareng Jo Taruc ng DZRH; Vangie Samonte ng Goldilocks; Prof. Roger Ordoñez ng PUP; Athena Repuno, Amanda Repuno at Ms. Menchie Orlina ng Western Union.
Ayon sa aking bubuwit, ang congressman ay mahilig ngayong mag-imbestiga. Kapag merong isyu na sa tingin niya ay puwede siyang makadilihensya, ito ay kanyang dinadale. Kapag may nasilip siyang butas sa isang negosyo, ito ay kaagad niyang iimbestigahan sa komiteng kanyang pinamumunuan. Powerful ang hawak niyang komite kaya nanginginig ang mga negosyanteng iniimbestigahan.
Aba, hindi pa nagtatagal ang kanilang imbestigasyon bigla siyang nagkaroon ng Mitsubishi Pajero.
Ang malungkot, pati ang kanyang mga alipores at mga bata-bata ay nagtuturo rin ng mga gusto nilang sasakyan sa isang auction yard sa Bulacan. Kaya ngayon ay galit kay congressman ang mga nasa car industry at mga manggagawa sa automotive. Ang biglang prinotektahan ni Congressman ay ang mga importers ng second-hand cars.
Ang daming pinanghihimasukan ni Congressman. Pati ang isyu ng semento, kahit ayos na ang problema sa presyo at supply ay pinakikialaman na naman. Hindi lang yan, pati isyu ng petrokemikal, plastik, at bakal ay pinapasok na rin niya.
Kung noon ay merong binansagang "Gang of Five" ngayon naman ay meron nang nagkukunwaring vigilanteng congressman.
Si Congressman ay handa namang manghalibas at makipag-areglo sa matitipuhang businessman.
Ayon sa aking bubuwit, ang vigilanteng congressman kuno para mag-imbestiga at kumita ay walang iba kundi si Congressman A. as in Ang Lagay.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended