Nakapanayam ko si Ka Gavino ng San Miguel Bulacan. Siya ay may malaking taniman ng sampaguita. Labingwalong taon na siyang nagnenegosyo nito at malaki ang naitulong sa kabuhayan nilang mag-anak.
Sinabi niya na P20,000 bawat buwan ang kanyang kinikita sa isang hektaryang taniman ng sampaguita. Ayon pa kay Ka Gavino, namumulaklak araw-araw ang sampaguita. Mataas ang presyo kapag tag-ulan.
Sinabi ni Ka Gavino na madali namang itanim ang sampaguita. Inaararo muna ang lupa tapos ay itinatanim ang pinutol na sanga na 12 pulgada ang haba at itinatanim na pahilera at kalahating metro ang pagitan. Dapat ay alaga sa pruning ang sampaguita para huwag itong lumago. Alaga rin ito sa abono at dapat spreyan ng insecticide. Ang halimuyak ng sampaguita ay gustong-gusto ng mga kulisap at iba pang insekto.