^

PSN Opinyon

Malaki ang kita sa sampaguita

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
SAMPAGUITA, ang pambansang bulaklak ng Pilipinas. Natatangi ang ganda at halimuyak ng bulaklak na ito. Marami ang kumikita ng pera sa pagtitinda ng tinuhog na sampaguita. Sa simbahan ng Quiapo kung Biyernes at Linggo ay marami ang nagtitinda ng sampaguita. Sa ibang simbahan man sa iba pang lugar ay mabiling-mabili ang sampaguita. Ang mga sampaguita ay karaniwang galing sa Laguna at Bulacan.

Nakapanayam ko si Ka Gavino ng San Miguel Bulacan. Siya ay may malaking taniman ng sampaguita. Labingwalong taon na siyang nagnenegosyo nito at malaki ang naitulong sa kabuhayan nilang mag-anak.

Sinabi niya na P20,000 bawat buwan ang kanyang kinikita sa isang hektaryang taniman ng sampaguita. Ayon pa kay Ka Gavino, namumulaklak araw-araw ang sampaguita. Mataas ang presyo kapag tag-ulan.

Sinabi ni Ka Gavino na madali namang itanim ang sampaguita. Inaararo muna ang lupa tapos ay itinatanim ang pinutol na sanga na 12 pulgada ang haba at itinatanim na pahilera at kalahating metro ang pagitan. Dapat ay alaga sa pruning ang sampaguita para huwag itong lumago. Alaga rin ito sa abono at dapat spreyan ng insecticide. Ang halimuyak ng sampaguita ay gustong-gusto ng mga kulisap at iba pang insekto.

vuukle comment

ALAGA

AYON

BIYERNES

BULACAN

DAPAT

INAARARO

KA GAVINO

SAMPAGUITA

SAN MIGUEL BULACAN

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with