Ako ay dating empleyado ng isang kompanya dito sa Metro Manila. Nang magkabawasan ng empleyado isa ako sa natanggal. Dahil doon, hindi ako nakapagbayad ng buwanang amortisasyon sa aking Pag-IBIG housing loan. Kamakailan nakatanggap ako ng sulat mula sa Pag-IBIG na ipo-foreclose na raw ang aking bahay.
Hindi ko alam kung paano malulutas ang problemang ito. Mayroon akong isang anak na nagtatrabaho, miyembro rin siya ng Pag-IBIG. Nasabi ko ang problema kong ito sa kanya at sinabing kung maaari ay siya na lamang ang magbabayad ng buwanang hulog sa Pag-IBIG. Maaari kaya ito? Mr. Yu
Kung nakatanggap ka ng foreclosure notice mula sa Pag-IBIG, maaari kang sumangguni sa pinakamalapit na Pag-IBIG office. Sa pamamagitan ng pag-restructure ng loan balance, maaaring hindi matuloy ang foreclosure ng iyong lupa at bahay. Sa ilalim ng Penalty Condonation Law, hindi na babayaran ang penalties ng utang.
Kung miyembro ng Pag-IBIG ang iyong anak ay maaari niyang bayaran ang natitira mong utang.