Umani ng batikos si Mangila sa mga taong kakampi yata ng mga hoodlums porke inumpisahan niyang ilagay ang mga ito sa kahon. Masyado na kasing perwisyo sa lipunan ang mga umanoy gunggong.
Ang score ng TMG sa mga kamoteng carnapper ay 10-0. Lima sa Bulacan at lima ulit sa Quezon City ang ngayon ay nag-aagawan para kausapin umano si Satanas sa impiyerno porke ayaw daw silang tanggapin nito sa nasabing lugar dahil sa sobrang kasalanang ginawa sa ilang inosenteng taong nilagay nila sa balag ng alanganin. Jaime Cardinal Sin, Your Eminence.
Pero rubout daw at hindi shootout? Ito ang say ng ilang kontrabidang may ayaw sa ginagawa ng TMG laban sa mga kilabot na carnapper na dumiretso ang mga paa sa mga kalye matapos abutan ng mga alipores ni Mangila.
Hindi naniniwala ang mga kuwago ng ORA MISMO na rubout ang naganap sa mga enkuwentro ng mga kabig ni Mangila. Wala namang ebidensiya na magsasabing tinodas nila ang mga ito para ipakita sa publiko na mamamatay tao ang mga taga-TMG. DOJ Secretary Hernando Perez, Your Honor.
Kabado ba si Mangila sa mga kasong isasampa sa kanya ng mga pamilyang naulila? Tanong ng kuwagong pulis na naglalanggas ng sariling galis.
Palagay ko hindi porke kung may ebidensiya silang rubout haharapin ni Mangila ang mga ito sa Korte hindi sa diyaryo, sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"May mga taong natutuwa sa nangyari kasi mababawasan ang mga tirador na perwisyo sa street.
Alam mo bang hindi lang basta mga carnapper ang ilan sa mga napatay porke lumalabas sa intelligence reports na miyembro ang ilan sa mga ito ng gun for hire, highway robbery gangs at mga highjacker bukod sa sila ay miyembro pa ng kidnap for ransom? Mga kamote, take note!
Alam mo rin ba na hindi birong mga boga ang gamit nila nang makorner sila ng TMG sa kani-kanilang mga hideout.
Alam mo rin ba na tuwang-tuwa si Prez GMA sa nangyari kasi warning na ito sa mga tirador?
Paano iyong isyung rubout? tanong ng kuwagong Kotong Cop.
Iyan ang dapat sagutin ni Mangila sa Korte kung totoo man!
Dapat ba nating kampihan ang pulis o ang hoodlum?
Diyan ka dapat mamili kung sino ang babalaan mo kamote?
Sino nga ba?
Iyan ang problema mo, kamote!