Hindi ibinalik sa dating posisyon
September 17, 2002 | 12:00am
SI Guiller ay isang Forestry Supervisor III sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng 1986 plantilla sa mahigit na 27 taon na. Noong Hulyo 10, 1987, nag-isyu ang DENR ng Executive Order No. 192 na nagsasaad ng isang reorganisasyon. Sa takot na mawala sa kanyang posisyon, napilitang tanggapin ni Guiller ang posisyong Senior Executive Assistant 1, mas mababang posisyon na may katulad na termino na magtatagal hanggang Disyembre 31, 1991. Sa kabilang banda, nagsampa ang mga kasamahan niya ng petisyong Prohibition at Mandamus upang pigilan ang pagtatanggal sa kanilang serbisyo.
Nagprotesta si Guiller sa Civil Service Commission ukol sa paghirang sa kanya sa mas mababang posisyon. Inayunan ang kanyang protesta at nataas siya bilang Forestry III. Bago pa man siya magsimula, nakatanggap siya ng isang abiso mula sa DENR na nagsasaad na natapos na ang kanyang serbisyo epektibo Disyembre 31, 1991.
Dahil dito, sumama si Guiller sa petisyong Prohibition at Mandamus. Noong Setyembre 10, 1993, inayunan ng Korte ang petisyon at kinilala ang pamamagitan ni Guiller dito. Ayon din sa order, dapat ibalik ng DENR ang mga empleyado sa dati nilang posisyon pati na ang dating mga benepisyo. Dapat ding mag-isyu ang DENR ng mga regular at permanenteng posisyon akma sa mga posisyon ng 1986 plantilla.
Nabalik ang mga kasamahan ni Guiller ngunit siya ay hindi. Ayon sa DENR, hindi saklaw ng desisyon ng Korte ang kaso ni Guiller. Sa pagtanggap niya ng permanenteng posisyon, naiba ang kanyang status. Tama ba ang DENR?
Mali. Ang paghahanap at pagtanggap ng bagong empleyo ay isang pangangailangan at hindi isang opsiyon. Sa takot na mawalan ng trabaho at magutom ang pamilya, napilitan si Guiller na tanggapin ang mas mababang posisyon kahit na may katulad na termino. Hindi maaaring ipagkait ang isang karapatan upang salungatin ang kanyang terminasyon.
Bukod pa dito, ang paghahanap ng ibang empleyo ay hindi hadlang sa pagkakabalik ng isang ilegal na dinismis na empleyado. Hanggat hindi pinal ang isyu ukol sa pagbabalik ng isang empleyado na dinismis ng ilegal, maaari pa rin siyang makapagtrabaho sa iba kahit na sa ibang bansa. Hindi apektado ang kanyang karapatan upang muling maibalik sa dating posisyon. (Salvador vs. Court of Appeals, et. al. G.R. No. 127501, May 5, 2000).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended