^

PSN Opinyon

Poachers parusahan

SAPOL - Jarius Bondoc -
BUTI na lang hindi napalaya ni Foreign Sec. Blas Ople ang 122 poachers na Tsino na nahuli sa Palawan. Gusto niya iregalo ang 122 pagbisita sa Manila ni Li Peng, chairman ng National People’s Congress. Pero ayaw pakawalan ng Navy ang mga Tsino dahil may kaso na sa Korte. At giniit din ni Justice Sec. Hernando Perez na dapat magmulta ang mga salarin.

Dati-rati, pinalalaya agad ng Pilipinas ang nahuhuling poachers sa Kalayaan Isles. Bahagi kasi ito ng disputed Spratly Group, na inaangkin ng Tsina bilang Nansha Chain. Para walang gulo, pinagbibigyan na lang.

Pero ang 122, hindi sa Spratlys nahuli, kundi sa Tubbataha Reef. Inner waters na ito ng Pilipinas, sa Sulu Sea sa gitna ng Palawan, Negros at Zamboanga. Walang kaduda-dudang teritoryo ito ng Pilipinas.

Abusado talaga ang 122. Karamihan sa kanila ay repeat offenders; dalawa o tatlong beses nang nahuli sa Tubbataha kung saan miski mga Pilipino ay bawal mangisda. National marine preserve kasi ang lugar at UN World Heritage Site rin. Matindi ang patrolya ng Marines at Coast Guard doon para hindi masira ang kalikasan.

Nahulihan ang 122 ng dalawang dolphin na buhay. Ipapain sana nila sa pating, na kukunan lang ng palikpik para shark-fin soup. Marami ring pawikan, at isdang mameng at lapulapu. Balde-baldeng cyanide at kahon-kahong dinamita ang nakuha sa apat na barko. Nilalason at sina-shock nila ang isda para tihayang lumutang. Walang pakundangan sa corals kung saan nangingitlog, nanginginain at lumalaki ang isda.

Matindi ang parusa sa poaching: $2,000 hanggang $20,000 bawat isa, depende kung ilang beses nang nahuli. Kumpiskado rin ang barko para ipagamit sa Bantay-Dagat. At anim na buwan hanggang anim na taon na kulong, depende sa tindi ng ninakaw sa kalikasan.

Nahuli kasama ng 122 ang 14 na menor de edad. Pinalaya na sila ng Pilipinas on humanitarian grounds. ‘Yung 122, mula Enero hanggang Mayo pa nakapiit. Puwede nang palayain ang mga naunang nahuli kung papayag ang judge sa mababang sentensiya. Pero dapat magbayad sila ng multa. Sa China nga, bitay ang parusa sa paghuli ng rare panda bear.

BLAS OPLE

COAST GUARD

FOREIGN SEC

HERNANDO PEREZ

JUSTICE SEC

KALAYAAN ISLES

LI PENG

MATINDI

PERO

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with