^

PSN Opinyon

Si Tata Poloniong at ang lampara

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
SI Tata Poloniong ay kilala sa pagiging mapagbigay at taong may pusong mapagpasalamat.

‘‘Paano ka ba naging mapagbigay?’’ tanong ko.

Tumingin siya sa akin. ‘‘Baka sa hinaharap masagot na kita.’’

‘‘Bakit di pa ngayon?’’

‘‘Sa pagpunta mo uli rito malalaman mo,’’ sagot niya.

Kanya namang tinupad ang pangako nang magtungo ako roon. Wala kaming ibang pinag-usapan kundi ang pagsisikap niyang tumulong at isipin ang iba. Dahil doon, lalong tumaas ang paghanga ko kay Tata Poloniong dulot na rin ng kanyang kababaang loob.

‘‘Naaalala ko kung sino ang nagturo sa akin na makipagkapwa at mapagbigay – ang aking ama,’’ pagsisimula niya. ‘‘Nakikita mo ba ang lumang lampara na iyon,’’

Tumayo siya at kinuha ang antigong lampara. Iyon ay yari sa salamin at ang gamit ay langis ng niyog. Iniabot niya sa akin ang lampara.

‘‘Paanong naituro sa iyo ng lamparang ito ang kagandahang asal ng pagbibigay?’’ tanong ko.

‘‘Nang ako ay maliit pa, naaalala ko si Ama na sinisindihan ang lamparang ito sa gabi at inilalagay sa pasimano. Lagi ko siyang tinatanong kung bakit nag-aaksaya ng langis. Laging iisa ang kanyang sagot, ‘‘Hayaan mong matanglawan ang mga magsasakang ginagabi ng uwi mula sa bukid pabalik ng kanilang bahay. Para matunton nila ang tamang daan.’’ Hindi ko masyadong iniintindi noon ang ginagawa ng aking ama bawat gabi. Subalit ngayong tinanong mo, napag-isip-isip ko na itinuro sa akin ng lamparang ito ang liwanag ng pagbibigay.’’

BAKIT

DAHIL

HAYAAN

INIABOT

IYON

KANYA

LAGI

LAGING

NAAALALA

TATA POLONIONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with