Editoryal - Kidnap dito, kidnap doon
September 17, 2002 | 12:00am
SAAN pa bang lugar sa Pilipinas masasabing ligtas? Kahit na sa kaliwanagan ng araw ay sumasalakay ang mga "halang ang kaluluwa" at wala nang kinatatakutan. Mas tumindi ang kanilang bangis nang magparada si President Gloria Macapagal-Arroyo ng mga nahuhuling suspect. Ilang kidnappers, snatchers at mga pulis-kotong na ang kanyang naiharap at may photo-ops subalit hindi pala iyon kalutasan. Mga "dilis" lamang pala ang nalambat at ang mga "pating" ay naiwan at namiminsala. Lalong lumutang ang matatalas na pangil.
Halos magkasabay kinidnap ang dalawang anak ni Negros Occidental Rep. Julio Ledesma noong Biyernes trese at ang apat na babaing propesor sa Mindanao State University sa Marawi City. Noong Sabado, bumanat na naman ang mga kidnapper sa Pangasinan at kinidnap ang asawa ng isang milyonaryong negosyante.
Animnapung milyong piso ang hinihingi ng mga kidnapper ng anak ni Ledesma. Wala namang balita kung magkano ang hinihingi ng mga kidnapper ng apat na propesor samantalang P30 milyon ang hinihingi ng mga kidnapper sa asawa ng negosyante sa Pangasinan.
Ang pangingidnap sa bansang ito ay naging karaniwan na lamang at pinagkakakitaan nang malaking pera. Tinagurian nang "kidnapping capital ng Asia" at marami nang mga dayuhan ang natatakot magtungo rito at magnegosyo. Mga turista ang kinidnap ng mga Abu Sayyaf at nagkamal sila ng salapi. Kahit napatay na si Abu Sabaya, patuloy ang kidnapping at nasa kamay pa ng mga bandido ang apat na preachers ng Jehovahs Witnesses. Ang Pentagon Gang, sa kabila na napatay na ang kanilang leader na si Faisal Marohombsar noong nakaraang buwan ay parang nagbangon sa hukay at umatake na naman. Ang Pentagon ang itinuturong kumidnap sa apat na propesor ng MSU.
Ang ugat ang nararapat na bunutin. Mga sanga lamang ang napuputol ng Philippine National Police at hindi ang ugat. Hindi masusugpo ang kidnapping hanggat buhay ang ugat na pinaniniwalaang kasangkot ang mga miyembro ng military at police. Isang paraan marahil para madurog ang sindikato ng kidnapping ay ang agarang paglilinis sa hanay ng military at police.
Palawakin din ng military at PNP ang kanilang intelligence para matunton kung nasaan ang kidnapping syndicate. Ang pagdurog sa kanila ay nararapat nang isagawa sa lalong madaling panahon. Hindi uubra ang pawang banta.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest