Peste
September 16, 2002 | 12:00am
EEEEEE... Waaagggggg......"
Sigaw na naman ng kapatid niyang babae. Natatakot na naman ito sapagkat namimirwisyo na naman ang peste. Sumunod ang mga kalampagan at ingay. Naghintay siya ng ilang sandali. Wala na ang mga ingay.
Iniwan nya ang hinuhugasan para ipagpatuloy ang plano. Kumuha siya ng gamit na ipangdidispatsa sa peste. Lumabas siya sa kusina. Pagdakay tinungo ang kuwarto ng kapatid, wala na roon ang peste. Napagpasyahan niyang bumaba at hanapin ito. Kailangan na nyang tapusin ang kaligayahan ng pesteng iyon. Kailangan na niyang matapos ang paggagambala nito. Masyado na itong maraming naging biktima. Lagi na lamang namimili ng kuwartong pamimirwisyuhan.Tama na. Kailangang dispatsahin na ang peste at nang matapos na ang pamimirwisyo nito.
"Hayun! naroon lamang pala..." Bulong niya sa sarili. Tila naiidlip na ang peste. Tiyak na busog na busog na naman. Tamang-tama wala na itong kawala. Hinigpitan niya ang hawak sa isang makintab na bagay na gagamitin niya upang patayin ang peste. Marahan siyang humakbang, maingat na maingat. Nang nasa tapat na siya ng peste ay ibinagsak niya sa ulo nito ang makintab na bagay. Sapol! Dumugo ang ulo. Para makasigurong patay na nga ay ipinaghiwalay niya ang katawan nito sa sariling ulo na kinaroroonan na mabalasik na pangil at mahabang sungay. Karumal-dumal man ang pagpugot niya sa ulo ng peste, naisip niyang nararapat lamang dito ang ganoong uri ng kamatayan. "Kung tutuusin ay kulang pa nga ito sa pamimirwisyo mo sa amin," naibulong niya sa sarili.
Isinilid niya nang maingat ang peste sa sako. Pagkatapos ay tinalian iyon at hinila palabas ng bahay. Pabagsak niya itong inihulog sa nakalaang hukay para lamang dito. Pagbalik niya sa loob ay agad nyang pinunasan ang likidong naroroon at siniguradong wala ang masangsang na amoy.
Hinugasan din niya ang makislap na bagay na nabahiran ng makulay na likidong galing sa peste.
Salamat at wala na rin ang pesteng kaytagal na namirwisyo sa bahay at buhay nila. Ang pesteng lagi na lamang nambibiktima. Ngayon ay tahimik na rin ang buhay nila at magkakaroon ng bagong umpisa.
Nagbihis siya. Pagdakay nilabhan ang damit na natilamsikan ng masangsang na likidong galing sa peste. Pagkatapos ay naupo at malalim na napabuntong- hininga. Magaan na magaan ang pakiramdam niya dahil wala na rin ang peste. Bumaba sa hagdan ang kanyang kapatid, nanginginig ang tuhod at namumugto ang mga matang luhaan. "Ate si Itay..." pautal-utal nitong sabi sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Maagap na tumakas ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata. "Ssshhh.... tahan na. Magmula ngayon ay malaya na tayo, wala nang mang-aabuso sa atin, manggagahasa at wala na ring mamimirwisyo. Patay na ang peste... pinatay ko na ang pesteng si Itay..."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended