Limang libong piso kada araw ang nakukubra ni Tepang
September 16, 2002 | 12:00am
KUNG me mga taong malungkot sa ibabaw ng mundo sa kasalukuyan, isama na natin itong si Alyas Tepang, ang may-ari ng chain of beerhouses at operator ng jueteng sa Nepa-Q Mart sa Quezon City.
Ibinalita sa akin ng mga nakausap kong pulis na maiinit pala ang mga tauhan ni Supt. Miguel Laurel, hepe ng Regional Intelligence and Special Operations Office (RISOO) kay Tepang dahil siya ang pinagsuspetsahan nilang nagpa-diyaryo sa kanila ukol sa tripleng intelihensiya. Kaya huwag kayong magtataka mga suki kung nitong darating na mga araw ay kaliwat kanang raid ang aabutin ng beerhouses ni Tepang sa Cubao at sa iba pang bahagi ng Kyusi. Gusto lang gumanti ng mga operating units ng pulisya na kanyang nasagasaan. He-he-he! Lagot ka Tepang!
Kung sabagay inaamin naman ni Tepang na kaya siya nakapagpatayo ng chain of beerhouses sa Quezon City ay dahil na rin sa jueteng. Kasi nga si Tepang pala ay tumatanggap ng isang porsiyento sa nakukubra niyang P500,000 sa jueteng kada araw sa Nepa-Q Mart. Ibig sabihin niyan may malinis siyang P5,000 kada araw. Aba talo pa niya ang mga executives ng malalaking kompanya sa Makati City ah. Ang ipinagtataka lang ng marami ay kung bakit hindi mapahinto ni Interior Secretary Joey Lina itong jueteng ni Tepang eh ilang dipa lang ang distansiya nito sa kanyang opisina? May dapat bang ipaliwanag si Lina?
Baka naman naiilag ni Tepang ang kanyang jueteng kasi nga halos maririnig na niya ang boses o kautusan ni Lina dahil malapit lang nga ang Francisco building, ang bahay din ng Task Force Jericho. Hindi na kailangang lumayo pa ang mga bataan ni Supt. Noel Estanislao, ang hepe ng Task Force Jericho, kung gusto nilang manghuli. Bumaba lang sila sa building at maglakad ng limang minuto at presto. andoon na sila sa pugad ni Tepang, di ba mga suki?
Kung malungkot naman si Tepang dahil sa maraming unit ng pulisya ang humahanting sa kanya, kabaligtaran naman ang naramdaman ni SPO4 Art Baltic ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Southern district. Masaya si SPO4 Baltic habang ipinangalandakan sa mga establisimiyento na gusto ng kanyang hepe na si Maj. Olay na doblehin nga ang weekly intelihensiya na kanilang natatanggap. He-he-he! Wala rin pa lang kabusugan itong si Maj. Olay, no mga suki? Kaya masaya sa ngayon itong si SPO4 Baltic, ayon sa mga nakausap kong pulis. Hindi kaya nabubukulan lang niya si Maj. Olay kayat abot langit ang ngiti ni SPO4 Baltic?
Aabangan natin kung hanggang saan abutin itong kalungkutan ni Tepang at ang kasayahan naman ni SPO4 Baltic. Magkasalungat ang kanilang suwerte pero sa tingin ko malapit na rin silang abutin ng delubyo. Tama ba ako Secretary Lina Sir? Kung patuloy pa ang jueteng ni Tepang sa susunod na mga araw, paano na lang maniniwala ang taumbayan na seryoso si Lina na lipulin nga ang pasugalan sa buong bansa. Nagpadala na rin ako ng mga espiya sa mga bayan, siyudad at probinsiya na idineklara ni Lina na jueteng-free para tiktikan kung hindi nagsisinungaling itong mga opisyales ng ating gobyerno. Magpakatotoo kayo! Huwag panay bola.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am