^

PSN Opinyon

200,000 nurses kailangan ng US

SAPOL - Jarius Bondoc -
MAHIGIT 200,000 ang kailangang nurse sa US ngayon. Dahil wala halos graduate ng nursing sa US, sa Pilipinas at India sila naghahanap. Mas gusto sana nila ang Pinoy. Sa karanasan nila, mahusay na ang Pinoy sa Ingles, mas matino pa ang bedside manners. Ugali kasi ng Pinoy ang mapag-alaga sa kapwa.

Problema, 350,000 lang ang registered nurse sa Pilipinas. Gan’ung dami rin ang naka-enrol sa nursing schools. Konti lang ang nakapapasa sa CGFNS, ang matinding qualifying exams para mag-nurse sa US.

Sayang, ang ganda pa naman ng salary at benefit na ibinibigay. Pag nakapasa pa lang sa exam, binibigyan agad ng signing bonus na $10,000, katumbas ng dalawang buwang suweldo. Pabahay at pakain pa ang iba. At tutulong ang employer na ma-relocate sa US ang pamilya sa loob ng anim na buwan, di tulad dati na mahigit dalawang taon. Sa tindi ng shortage, mga ospital na mismo sa US ang nagpapadala ng agents sa Pilipinas para maghanap ng nurses.

Pati local recruiter masaya rin: merong $2,000 referral fee sa bawat nurse na nakapasa sa exam, plus $1,500 kung magtatagal ang recruit sa US nang anim na buwan, at $1,500 pa uli kung mahigit isang taon.

Hindi lang sa US kulang ang nurses, ayon kay Alan Ortiz, director ng Grow Inc. na nagre-recruit ng nurse at teacher. Pati sa Australia, New Zealand, Saipan, Japan, Korea, Singapore, Middle East at Europe, may 300,000 vacancies. Tumatanda pero kumokonti kasi ang populasyon nila. Pina-pirate na ng mga ospital sa Britain ang Pinoy nurses sa Arabia.

Bumili na nga ang Grow Inc. ng sariling nursing school. Itataas ang enrollment at standards para makapasa ang graduates sa CGFNS at NCLEX exams. Dagdag pa ni Ortiz, merong recruiters na nagbibigay ng short review class para sa exams. Meron ding agencies na naghihikayat ng mga doktor na mag-nursing course na 18 buwan. Ibang klase ano?
* * *
Abangan: Linawin Natin, Lunes, 11:30 p.m., sa IBC-13.

ABANGAN

ALAN ORTIZ

BUMILI

GROW INC

LINAWIN NATIN

MIDDLE EAST

NEW ZEALAND

PATI

PILIPINAS

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with