^

PSN Opinyon

Editoryal - Ba't hindi madurog ang mga kidnaper?

-
HINDI bumabahag ang buntot ng mga kidnaper kahit ilang beses nang nagbanta at nagparada ng mga kriminal si President Gloria Macapagal-Arroyo. Sa halip na mabahag ang buntot, bumanat ang mga kidnaper noong Biyernes trese. Kinidnap ang dalawang anak ni Negros Occidental Rep. Julio Ledesma habang patungo sa school dakong 7:30 ng umaga. Naganap ang pagdukot sa kanto ng Mabini at Burgos Streets sa San Juan. Limang armadong lalaki na kung kumilos ay tila mga pulis at sundalo ang dumukot sa mga bata. Humihingi umano ng P60-M ransom ang mga kidnaper.

Wala na ngang natitirang pagkatakot ang mga kidnaper at hindi nasisindak sa mga banta ni Mrs. Arroyo. Mas malakas ang loob sapagkat kahit sa mataong lugar at kasikatan ng araw bumabanat. Handang pumatay at mamatay. Ang pangingidnap sa bansang ito ay karaniwan na lamang at pinagkakakitaan. Hindi lamang dito sa Metro Manila nagaganap ang pangingidnap kundi maging sa iba pang bahagi ng bansa. Nagsulputang parang kabute ang mga kidnaper at ginawa nang hanapbuhay. Ang mga bandidong Abu Sayyaf ay nagkamal ng milyong dollar nang mangidnap ng mga dayuhan. Hanggang sa kasalukuyan, sakit ng ulo ng pamahalaan ang mga bandido na kasalukuyang hawak pa ang apat na preachers ng Jehovah’s Witnesses.

Nang maupo bilang Philippine National Police (PNP) chief si Deputy Dir. Gen. Hermogenes Ebdane, inatasan siya ni Mrs. Arroyo na sugpuin sa loob ng isang taon ang kidnaping. Mabilis naman si Ebdane at sinabing sa loob lamang ng anim na buwan ay lutas na ang kidnaping. Ngayo’y tila taliwas na ang nangyayari sapagkat sa halip na maputulan ng sungay at pangil ang mga kidnaper ay lalo pang bumangis.

Isang dahilan kung bakit hindi madurog ang kidnapping syndicate ay sapagkat ang kanilang mga miyembro ay mga sundalo at pulis. Ang ilan ay mga AWOL na. Isang magandang paraan ay linisin ng PNP chief ang hanay ng kanyang mga tauhan. Ngayong sila na rin ang nagsabi na may 200 "bugok na itlog" sa PNP bakit hindi basagin ang mga ito. Ang pagkakaroon ng mga matataas na kalibre ng baril ay isang matibay na palatandaan na konektado sa Armed Forces of the Philippines at PNP ang mga halang ang kaluluwang kidnapers. Ligisin sila para hindi na makapaminsala!

vuukle comment

ABU SAYYAF

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BURGOS STREETS

DEPUTY DIR

HERMOGENES EBDANE

ISANG

JULIO LEDESMA

METRO MANILA

MRS. ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with