Kalbaryo sa Bacoor at Kawit, Cavite
September 14, 2002 | 12:00am
MATINDING kalbaryo na ang dinadanas ng mga taong dumadaan ng Bacoor at Binakayan, Kawit, Cavite lalo na nang simulan ang pag-aayos ng Binakayan bridge. Sa haba ng trapik at pagbubuhul-buhol ng mga malalaking bus, dambuhalang freight trucks, kotse, jeepney at mga tricycles, aabutin kayo ng siyam-siyam para makatawid sa nasabing napakakitid na tulay na ginawa pa nilang one-way lamang para sa mga palabas ng Binakayan. Ang masakit pa nito, halos walang taong nakikitang gumagawa sa construction work na ito.
Kung papasok naman ng Binakayan, tatawid ng ilog sa may parte ng Mabolo, Bacoor sa pamamagitan ng isang maliit na tulay na gegewang-gewang. Labu-labo rin ang mga sasakyan at aabutin kayo ng pagkainis dahil walang bigayan at wala sa lugar ang mga driver.
Araw-araw ay ganyan ang nangyayari sa mga lugar na ito. Masasabing isa nang trahedya ang nagaganap na ito sa Bacoor at Binakayan sapagkat maliban sa nanganganib ang buhay ng mga dumadaan dito, malaking pera at maraming oras ang nasasayang. Matinding dagok din ito sa ekonomiya ng mga bayang nabanggit sapagkat marami ang ayaw nang gumawi roon upang mamili at magnegosyo.
Marami ang nagtataka kung bakit walang ginagawang hakbang sina Bacoor Mayor Jesse Castillo at Kawit Mayor Federico Poblete para mabigyan ng solusyon ang problema sa kanilang mga lugar. Kung hindi man sila dumadaan dito, wala ba silang mga tauhan na nagrereport sa kanila.
Mukhang wala nang pakialam sina Castillo at Poblete anuman ang mangyari sa kanilang mga area of responsibility. Baka kailangan na ang kumilos si Cavite Gov. Ayong Maliksi. Galit na ang taumbayan sa dinadanas na kahirapan at kapabayaan sa Bacoor at Kawit. Gumising kayo Mayor Castillo at Mayor Poblete! Baka sa bandang huli, magsisi kayo!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended