^

PSN Opinyon

Pagyamanin ang kultura at sining

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
ANG Pilipino ay may malikhaing diwa. Makulay ang ating kasaysayan na nag-uugat sa maalab na pagmamahal sa Inang Bayan at ito’y makikita sa sining at kultura ng bansa. Ito ang ipinahayag ni Senate Majority Leader Loren Legarda-Leviste na nanguna sa pagbubukas ng ‘‘Pinoy Art, Alay sa Kababaihan,’’ isang benefit art exhibit ng Lakas Kababaihan ng Marikina. Itinampok ang mga painting ng Angono artists gayundin ang Greenhills Artist Group na ginanap kamakailan sa Penthouse, Tektite East Tower, Ortigas Center, Pasig City.

Ang Art exhibit ay inihanda at pinamahalaan nina Leila S. Salgado, Cora Manienbo at Bing N. Joaquin ng Global Planners Inc. Ang mga dumalo ay sina Marikina Mayor Maria Lourdes Fernando, Margie Moran Floirendo, Edward L. Fereira, Emiliano Gatchitorena, Natalie Palanca, Carmen Flore, Merle Villacorta, Felix Allegre III, Cherie Pie Peña at Mary ‘‘Rosebud’’ Ong.

Ilan sa mga hinangaang obra maestra ng mga pintor ay ang ‘‘Lucban Festival’’ ni Jose ‘‘Pitok’’ Blanco, ‘‘Buhay sa Nayon’’ at ‘‘Tabing-ilog’’ ni Glen Blanco; ‘‘Madonna’’ ni Ovideo F. Espiritu, Jr.; ‘‘Mag-ina’’ ni Charlie Val;’’ Market Place’’ at ‘‘Field of Flowers’’ ni Marinette Ortigas at ‘‘Window’’ ni Johnny Ventosa.

Sana’y marami pang ganitong art exhibit ang itanghal. Isang paraan para ang ating sining at kultura ay mapagyaman.

ANG ART

BING N

CARMEN FLORE

CHARLIE VAL

CHERIE PIE PE

CORA MANIENBO

EDWARD L

EMILIANO GATCHITORENA

FELIX ALLEGRE

FIELD OF FLOWERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with