^

PSN Opinyon

Editoryal - Ipit na naman sa giyera ang Pinoy

-
KAPAG may pakikipag-giyera ang mga Kano, tiyak na kasama ang mga Pinoy. Noon pa man ay ganyan na ang nangyayari. Walang ipinagkaiba ngayon na malubha na ang tensiyon sa pagitan ng US at Iraq. Kahit na sabihin ni President Gloria Macapagal-Arroyo na hindi naman makikisama ang Pilipinas sa digmaan ng US at Iraq, malinaw na ang pagpapagamit ng air space ay bahagi na ng pakikisimpatya. Bakit kailangan pang ilingid na bahagi ng US ang Pilipinas kapag napasabak sa kaguluhan?

Ang masakit nga lamang, mas maraming bagay na mawawala sa Pilipinas kapag nakikipag-giyera ang US. Mas mariin ang hampas sa mga Pinoy kapag nagbakbakan na. At sa dakong huli, napapabayaan ang mga Pinoy ng kaibigan kunong US. Nangyari na ‘yan noong World War II, maraming Pinoy ang nagbuwis ng buhay para tulungang makipaglaban ang mga Kano, pero sa dakong huli ay api-apihan pa rin sa pagkuha ng benepisyo. Hindi parehas ang pagbibigay ng US sa mga Pinoy na nakipagpukpukan sa kalaban.

Ngayo’y kakaibang pakikipaglaban na naman ang hinaharap ng US at kaladkad na naman ang mga Pinoy. Nakita na kasi ng mga Kano kung paano lumaban ang mga Pinoy, walang atrasan. Paglaban sa terorismo ngayon ang hinaharap ng US. Sumiklab ng pabagsakin ng mga terorista ang World Trade Center noong September 11. May bahagi si Saddam Hussein ng Iraq sa paghahasik ng terorismo sa US. Sumusuporta ito sa international terrorist na si Osama bin Laden. Ang pagdurog sa Iraq ang pinapangarap ngayon ng US.

Hindi na makapapalag ang Pilipinas sa pagkakahawak ng US at kahit saang larangan ng digmaan ay kakaladkarin. Nariyan na ‘yan. Ang mabuting magagawa ng pamahalaan ay ang pag-secure sa kalagayan ng mga Pinoy workers sa lugar na tatamaan ng digmaan. Sa Iraq ay may 118 Pinoy workers. Siguruhin ang maayos nilang pag-alis doon.

Sa mga bansang malapit sa Iraq, gaya ng Saudi Arabia at Kuwait ay marami ring mga Pilipino. Ngayon pa lamang ay pagplanuhin nang mabuti ang gagawin upang matiyak ang kanilang kaligtasan. Nang sumiklab ang Gulf war noong 1991, maraming Pinoy ang dumanas ng hirap nang maging palpak ang gobyerno sa paglilikas sa kanila. Marami ang naipit sa giyera. Ayon sa mga OFW sa Saudi Arabia at Kuwait, mas nauna pang nagsialisan ang mga opisyal ng Philippine Embassy at iniligtas ang mga sarili kaysa sa mga kababayan.

Hindi na dapat maulit ang ganoong pangyayari.

KANO

PHILIPPINE EMBASSY

PILIPINAS

PINOY

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SA IRAQ

SADDAM HUSSEIN

SAUDI ARABIA

WORLD TRADE CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with