Ang magagawa ng Diyos sa 57 sentimos
September 10, 2002 | 12:00am
UMIIYAK ang batang pinalayas sa simbahan nang lapitan siya ng pari. "Puno na raw kasi kaya hindi ako puwedeng mag-aral ng Bible sa Sunday school," anang babaing madungis ang suot. Nahulaan ng pari ang rason. Isinama niya ang bata sa kapilya at ihinanap ng upuan. Ang saya ng bata. Pero nalungkot din siya bago matulog sa kaiisip sa iba pang batang walang lugar para ipagbunyi si Hesus.
Makalipas ang dalawang taon, ipinatawag ng magulang ang pari. Namatay ang bata sa sakit at gusto nilang ipa-bless. Napansin nila ang lumang panyo sa kanyang unan. May laman na 57¢ at sulat na matagal daw niyang inipon ang barya para i-donate sa kapilya-para ipagpatayo ng gusali kung saan magkakasya lahat ng bata sa Sunday school.
Napaluha ang pastor sa love offering. Ikinuwento niya ito sa misa, at hinamon ang mga diboto na mag-fund raising para sa bagong gusali. Na-diyaryo ang istorya. Nabasa ng isang realtor at inalok sa kanila ang lupang halagang ilang libo. Nang umiling ang pari na mahal ang lote, sabi ng realtor na bayaran lang siya ng 57¢. Napa-ambag ang iba pa nang malalaking halaga, pati mula abroad.
Limang taon lang, lumago ang pondo nang $250,000 malaking pera na noong papasok ang siglo-1900s. Nagbunga ang walang-impok na 57¢-regalo ng bata.
Kung mapapasyal kayo sa Philadelphia, dumaan sa Temple Baptist Church na may kapasidad na 3,300, at sa Temple University kung saan libu-libo ang naka-enrol. Sumilip din sa Good Samaritan Hospital, at sa karatig na Sunday school building. Daan-daang bata ang nag-aaral ng Bible roon. Walang pinaaalis, never kulang sa upuan. Sa isang silid may larawan ng batang nag-ipon para maitayo ito. Nasa tabi ang litrato ng pastor, si Dr. Russel H. Conwell, may-akda ng librong Acres of Diamonds, ang true story kung ano ang magagawa ng Diyos sa 57¢.
Abangan: Sapol ni Jarius Bondoc, Sabado, 8 a.m., sa DWIZ (882-AM).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended