Editoryal - Hustisya sa dalagita
September 10, 2002 | 12:00am
PINAGTIISAN ng mga Pinoy ang masamang kalagayan sa kulungan sa Malaysia. Natiis nilang huwag kumain at uminom doon. Natiis nilang yantukin ng kung ilang ulit sa likod. Natiis nilang mamaluktot sa mabahong detention center. Natiis din naman ng isang dalagita na gawing "parausan" ng Malaysian jail guards. Iyan ang matinding pagtitiis! Iyan ang pinakamasakit na bahagi sa buhay nang libu-libong Pinoy na humahanap ng "langit" sa mapang-aping Malaysia. Sapilitan silang itinaboy ng Malaysia.
Nagsimulang pagmalupitan ang mga Pinoy deportee mula pa noong February ng kasalukuyang taon. Dumating sa bansa ang mga deportee noong nakaraang linggo, kabilang ang 13-anyos na ni-reyp ng mga guwardiya.
Isang sulat na ang ipinadala ni President Gloria Macapagal-Arroyo kay Malaysian President Mahathir Mohammad na nagsasaad ng pagkondena sa sinapit ng dalagita sa kamay ng mga walang pusong Malaysian guard. Nalaman ni Mrs. Arroyo ang sinapit ng dalagita nang personal itong makausap ng mga taga-Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ang mga magulang umano ng dalagita ay matagal nang hiwalay at ang dalagita ay napabilang sa mga batang palaboy sa lansangan ng Sabah. Hinuli siya ng mga awtoridad doon at ikinulong kasama ng mga illegal Pinoy. Sinabi naman sa isa pang report na sapul pa nang 10-anyos ang dalagita ay inaabuso na ito ng mga walang pusong Malaysian.
Hindi sa pagpapadala lamang ng sulat ni Mrs. Arroyo kay Mohammad dapat matapos ang usapin sa dalagita. Mabigat ang isyung na hindi dapat ipagwalambahala. Dapat makamtan ng dalagita ang katarungan. Matitiis ang gutom at uhaw subalit ang sugat na nilikha ng pang-aabuso sa katawan ng dalagita ay hindi. Habang tumatagal ang sugat ay nananariwa at umaantak.
Nagpadala na si Mrs. Arroyo ng mga taong umanoy titingin sa kalagayan ng mga Pinoy sa Malaysia subalit ang sinapit ng kawawang dalagita ay tila hindi nakita ng Philippine delegation. Walang maibalita sa kanilang pag-iimbestiga. Nararapat na maging puspusan ang pagkilos ng Department of Foreign Affairs sa kasong ito. Ipakitang hindi natutulog ang gobyerno ng Pilipinas sa kaso ng kawawang dalagita. Pukpukin ang dapat pukpukin sa pagkakataong ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended