Mabuwag kaya ni Lina ang Jericho?
September 9, 2002 | 12:00am
MUKHANG bilang na ang araw ng Task Force Jericho, ang operating arm ni Interior Secretary Joey Lina. Si Lina mismo ang nangakong bubuwagin niya ang naturang grupo sa pamumuno ni Supt. Noel Estanislao matapos supalpalin ito ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr. na sila ang dapat sisihin kung bakit patuloy na namamayagpag ang jueteng sa bansa.
Kasi nga palaging namumutawi sa bibig ni Lina ay ang PNP o local officials ang may kasalanan sa hindi masawatang jueteng operation sa bansa kaya nga sinibak niya sa tungkulin itong pitong matataas na opisyales ng pulisya. Pero nitong huling magharap sina Lina at Ebdane, sinabi ng bruskong si Ebdane sa malamyang si Lina na mas malaking weekly tong ang nakukuha ng grupo ni Estanislao sa jueteng at sila rin ay dapat managot sa problema, anang mga pulis na nakausap ko.
Natulala si Lina sa tinuran ni Ebdane. Alam niyang abot ni Ebdane ang kalakaran ng mga bata niya sa labas dahil hindi maglakas-loob itong magsalita kung wala siyang hawak na ebidensiya, anang mga pulis. Ayon sa mga pulis, natauhan si Lina, biglang tinawag si Exec. Dir. Rogelio Pureza, vice chairman ng National Police Commission (Napolcom) at iniutos na buwagin na nga ang Task Force Jericho. Kung sabagay, abot-langit na ang ebidensiya na tumatanggap nga ng weekly payola mula sa jueteng lords ang Task Force Jericho subalit nagbingibingihan lang si Lina. Bat hindi mo tanungin si Atty. Morga, Secretary Lina, Sir at baka may alam siya diyan? tanong ng mga pulis.
Sariwa pa sa isip ng sambayanan ang pagkahuli ng limang Jericho members sa Maynila sa aktong pangongotong, di ba mga suki? Eh ano ang nangyari sa kaso? Ang nag-imbestiga na si Supt. Marcelino Pedrozo ay na-demote ng Napolcom, kung saan si Lina ay chairman, at natapon pa ang complainant na si PO3 Bonifacio Abad sa kangkungan. Ano ba yan?
Tungkol naman kina Apacible, Mojares, Cayabyab at Sabare na inakusahang kumokolekta ng six digit na intelihensiya sa Bicol region, bakit hindi mo sila paimbestigahan Secretary Lina? Pero sa tingin ng sambayanan nasa tamang landas itong si Ebdane ng unahin niyang labanan ay ang salot sa lipunan tulad ng kidnapping at illegal drugs na nakakasira sa ating kabataan. Pero hindi nangangahulugan na hindi na niya pagtuunan ng pansin itong jueteng nga.
May bayag kaya si Lina na buwagin ang Task Force Jericho? Yan ang katanungan na umiikot sa ngayon sa mga himpilan ng pulisya sa bansa. Eh alam naman ng lahat na kumakalap ang kampo niya ng pondo para sa pagtakbo ni Lina bilang Senador sa darating na 2004 elections.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended