^

PSN Opinyon

Pagtutuwid-kapatid, magkakaisang dalangin

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
SA Ebanghelyo ngayon, matatagpuan natin ang dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay tungkol sa pagtutuwid sa isang kapatid. Tayo ay tinatagubilinan na dapat tayong gumawi ng may pagmamahal at tunay na pagnanais na matulungan ang isang kapatid na nagkamali. Ang bunga ng pagtutuwid-kapatid ay patuloy na nagkakaisa ang Simbahan. May pangangalaga at pagmamahal sa mga magkakapatid.

Basahin ang salaysay ni Mateo (Mt. 18:15-20).

‘‘Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin ng sarilinan. Kapag nakinig siya sa iyo, ang pagsasama ninyong magkapatid ay napapanauli mo sa dati at napapanumbalik mo siya sa Ama. Ngunit kung hindi siya makinig sa iyo, magsama ka pa ng isa o
dalawang tao upang ang lahat ng pinag-usapan ninyo ay mapatunayan ng dalawa o tatlong saksi. Kung hindi siya makinig sa kanila, sabihin mo ito sa iglesya. At kung hindi pa siya makinig sa iglesya, ituring mo siyang Hentil o isang publikano.’

‘‘Sinasabi ko sa inyo: Anumang ipagbawal ninyo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at anumang ipahintulot ninyo sa lupa ay ipahihintulot sa langit.’’

‘‘Sinasabi ko pa rin sa inyo: Kung ang dalawa sa inyo dito sa lupa ay magkaisa sa paghingi ng anumang bagay sa inyong panalangin, ipagkakaloob ito sa inyo ng aking Amang nasa langit. Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon dahil sa akin, naroon akong kasama nila.’’


Nais kong bigyang-diin ang ikalawang bahagi ng Ebanghelyo: Ang kapangyarihan ng nagkakaisang dalangin. Kapag may dalawa o tatlo tayong nagdarasal, nagkakaisa sa isip at puso, si Jesus ay nasa gitna natin at nakikidasal kasama natin. Sisiguruhin niya na ng ating panalangin ay ibibigay ng Amang nasa langit. Sa palagay ko ang nagkakaisang panalanging ito ay nagaganap din kapag dinarasal natin ang Santo Rosaryo bilang isang grupo. Tiyak na si Jesus ay nasa gitna natin. Sapagkat ang dinarasal natin ay tungkol sa mga pangyayari sa kanyang buhay na ating pinagninilayan kapag dinarasal natin ang Ama Namin at mga Aba Ginoong Maria. At gayundin si Maria. Tayo, bilang kanyang mga anak ay ipinamamanhik ni Maria sa ating Ama. Ipinakikiusap rin niya tayo sa kanyang Anak, si Jesus. At ganoon din sa Espiritu Santo.

Sama-samang dasalin ang Rosaryo. Dasalin ito bilang isang pamilya.

vuukle comment

ABA GINOONG MARIA

AMA NAMIN

EBANGHELYO

ESPIRITU SANTO

KAPAG

NATIN

SANTO ROSARYO

SAPAGKAT

SINASABI

TAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with