^

PSN Opinyon

Centralized jueteng sa Cavite (part 2)

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
LALONG tumindi ang jueteng operation sa Cavite tulad sa bayan ng Noveleta, Rosario, Cavite City, Imus at Dasmariñas kasi centralized ang operation dito ni Supsupin este mali Cupcupin pala.

Si Cupcupin na sinasabing batang sarado ng asawa ng senador ang siyang namamayagpag sa nasabing lalawigan at sa bahay ng isang Boy Luga, sa Ligtong, Rosario ginagawa ang dayaan sa bolahan.

Sa may likod ng Bautista hospital sa may Barangay Caridad ay nagkakaroon din ng dayaan sa bolahan ng jueteng kasi nga ginagago ng mga jueteng operators ang mga mananaya sa nasabing lugar. Si Lita Kabayo, ang engkargado ng mga kamote rito.

Ang isyu naman ng video karera at Pandawan na tinaguriang ‘‘Cotabato’’ na lugar ng kamoteng Burongoy Kupitan ng nasabing lugar.

Kalat ito dito at ang mga pobreng estudyante ang biktima ng nasabing pasugalan at mga konsignasyon. Todas ang kanilang mga naipong pitsa oras na naglaro sila rito.

Tiyak kung hindi alam ni Gov. Ayong Maliksi ang nasabing sugal pero minamatyagan niya itong mabuti kasi ang kapatid niya umano ang tinuturong kaalyado ng mga gambling lords.

Alam ng mga kuwago ng ORA MISMO na gimik sa pulitika ang gustong gawin sa grupo ni Ayong para sirain ang kredibilidad niya kasi naghahanda ang mga kalaban niya sa pulitika sa 2004 election.

‘‘Alam kaya ito ni Rogelio Pureza ng NAPOLCOM kasi malapit daw sa bahay niya ang mga pasugalang nabanggit?" tanong ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Masyado kasi silang mapagsarili kaya umuusok ang baho nila,’’ anang kuwagong pulis na naglalanggas ng sariling galis.

‘‘Alam ba ito ng Task Force Jericho ni DILG Secretary Joey Lina?’’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Palagay ko porke hindi nahuhuli baka kasi may timbre sa mga kamote,’’ sagot ng kuwagong maninipsip ng tahong sa Imus.

‘‘Ano ang dapat natin gawin?’’

‘‘Ituwid nila ang mga baluktot na gawain para hindi bumabaho ang kapaligiran.’’

‘‘Bakit?’’

‘‘Baka sila ang maituwid.’’

‘‘Ano ang ibig mong sabihin?’’

‘‘Patay sila kay Ayong, bobo!’’

ALAM

ANO

AYONG

AYONG MALIKSI

BARANGAY CARIDAD

BOY LUGA

BURONGOY KUPITAN

CAVITE CITY

KASI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with