Noong Hulyo 2001, napilitang magbitiw bilang chairman ng SSS si Vitaliano Nañagas pagkaraang mag-rally ang mga empleyado. Hindi umano maganda ang pamamalakad ni Nañagas at payag din itong isapribado ang SSS.
Kilos-protesta rin ang dahilan ng pagbibitiw nitong nakaraang Agosto nina Raul Roco bilang DepEd Secretary at Rene Bañez bilang BIR commissioner.
Totoong ang kilos protesta ay bahagi ng democratic system subalit ang karapatang ito ay hindi dapat inaabuso. Kapag hindi nagustuhan ang pamamalakad at reporma ng isang opisyal ay people power na kaagad ang pangontra ng mga empleyado. Sa dakong huli ang serbisyo publiko ang apektado.
Dapat nilang isipin na silay mga public servant at ang suweldo nila ay galing sa mamamayan. Sa puntong ito hiningan ng BANTAY KAPWA ng opinyon si Civil Service Commissioner Karina David na nagsaad na maliwanag sa Konstitusyon na karapatang magsagawa ng mga rally subalit meron itong limitasyon at hindi dapat na maantala o ma-disrupt ang paglilingkod sa mga mamamayan ng mga taong gobyerno.
Isipin nila na ang taumbayan ang nagpapasuweldo sa kanila sa layuning silay maglingkod at hindi mamerhuwisyo.