Maaari mo ba akong payuhan kung paano ako makasisiguro sa aking bibilhin? Marisa ng Caloocan City
Sa pagbili ng lupa at bahay, kailangan nating makasiguro sa titulo ng lupang bibilhin. Hingin o tingnan mo ang titulo nito. Kailangan na Original Certificate of Title (OCT) o Transfer Certificate of Title (TCT) ito, ayon sa Torrens System ng rehistrasyon ng lupa.
Kung nagdududa, tingnan ang numero ng titulo at inyong tanungin sa Register of Deeds kung saan ito matatagpuan. Humingi rin ng payo sa isang abogado para ka tulungan. Bago magbigay ng kaukulang downpayment, kailangan mong magkaroon ng Deed of Conditional Sale. Nakasaad dito ang technical description ng lupa, sukat, kabuuang halaga, downpayment at iba pang mga probisyon na magpapatunay ng pagbili ng lupa. Nakapirma rito ang may-ari ng lupa at kayo na bibili nito.