^

PSN Opinyon

Gustong makasiguro sa bibilhing lupa't bahay

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
AKO ay ordinaryong empleyado lamang. May nag-alok sa aking developer ng lupa at bahay sa isang subdivision. Gusto ko sanang kumuha ngunit gusto kong makasiguro sa aking desisyon.

Maaari mo ba akong payuhan kung paano ako makasisiguro sa aking bibilhin? – Marisa ng Caloocan City


Sa pagbili ng lupa at bahay, kailangan nating makasiguro sa titulo ng lupang bibilhin. Hingin o tingnan mo ang titulo nito. Kailangan na Original Certificate of Title (OCT) o Transfer Certificate of Title (TCT) ito, ayon sa Torrens System ng rehistrasyon ng lupa.

Kung nagdududa, tingnan ang numero ng titulo at inyong tanungin sa Register of Deeds kung saan ito matatagpuan. Humingi rin ng payo sa isang abogado para ka tulungan. Bago magbigay ng kaukulang downpayment, kailangan mong magkaroon ng Deed of Conditional Sale. Nakasaad dito ang technical description ng lupa, sukat, kabuuang halaga, downpayment at iba pang mga probisyon na magpapatunay ng pagbili ng lupa. Nakapirma rito ang may-ari ng lupa at kayo na bibili nito.
* * *
Sa mga may gustong itanong, ipadala lamang ang inyong liham sa Office of the Chairman, 6th Floor Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City. Pakibanggit lamang kung gusto ninyo itong malathala sa column na ito.

CALOOCAN CITY

DEED OF CONDITIONAL SALE

FLOOR ATRIUM BLDG

HINGIN

MAKATI AVENUE

MAKATI CITY

OFFICE OF THE CHAIRMAN

ORIGINAL CERTIFICATE OF TITLE

REGISTER OF DEEDS

TORRENS SYSTEM

TRANSFER CERTIFICATE OF TITLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with