^

PSN Opinyon

Huli sa kubrekama

LISTO LANG - LISTO LANG ni Joel Palacios -
NATUKLASAN kamakailan ng City Treasurer ng Quezon City na mabisang sandata ang kubrekama sa pagsawata ng mga manunuba sa pagbabayad ng buwis. Pahamak na kubrekama.

Ayon kay Treasurer Victor Endriga, ang halaga ng ipapataw na buwis sa mga may-ari ng mga health clubs at motel ay ibabase sa bilang ng mga nagamit na mga kumot at kubrekama. Bumalangkas sila ng isang pormula upang kuwentahin ang babayarang buwis ng naturang mga negosyo.

Kilala bilang mga talamak na mandaraya ang mga may-ari ng sauna bath, motel, beauty parlor at massage parlor pagdating sa pagbabayad ng buwis. Ngunit hindi nila maaaring itanggi ang mga nagamit na kumot at mga kubrekama sa kanilang negosyo. Bahagi iyon ng mahusay na serbisyo.

Posible pa rin silang makapanlinlang ng tao sa pamamagitan ng pag-uulit ng mga nagamit nang mga kumot. Ngunit sino nga naman ang gaganahang magpaserbisyo o mag-check-in kung may-amoy at marumi ang mga kumot at kubrekama.

Nararapat na himukin ng pamahalaan ang mga suki ng motel at sauna bath na isumbong ang mga establisimiyentong hindi nagpapalit ng mga kumot at sapin sa kama. Bawat kumot ay katumbas ng halagang dapat na mapunta sa kaban ng bayan. Dapat papurihan ang mga maselang parukyano na ayaw gumamit ng malansang kubrekama.

AYON

BAHAGI

BAWAT

BUMALANGKAS

CITY TREASURER

DAPAT

NGUNIT

QUEZON CITY

TREASURER VICTOR ENDRIGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with