PNCC nalugi ng milyong piso dahil sa anomalya ng ilang opisyal
September 5, 2002 | 12:00am
ALAM nyo bang laganap ang anomalya sa Philippine National Construction Corporation (PNCC) kaya nagkandalugi-lugi nang mahigit P200 milyon?
Ayon sa aking bubuwit, 112 days na lang at Pasko na naman. Sana naman ay hindi ipagkait ng mga employer ang bonus at 13th month sa kanilang mga empleyado.
Happy birthday muna kay Manong Max Soliven ng Philippine Star mula sa mga members ng Tuesday Club sa EDSA Plaza Hotel.
Alam nyo bang laganap ang anomalya sa PNCC?
Paging Commissioner Dario Rama ng Presidential Anti-Graft Commission.
Ayon sa aking bubuwit, kung si Sen. Ramon Revilla ay binigyan ng Pajero ng DPWH, isang opisyal naman sa PNCC ang binigyan naman ng kotse ng MMDA.
Sino kaya ang counterpart ni Sen. Revilla sa PNCC? Pajero rin kaya ang ibinigay sa taga-PNCC?
Ayon sa aking bubuwit, ang ilan lamang sa mga kasong natuklasan sa PNCC ay ang mga project sa nasabing tanggapan.
Maraming mga kontrata ang pinasok ng mga opisyal in behalf of PNCC subalit ang mga kompanyang ito ay pag-aari rin ng ilang top officials.
Ang isang halimbawa rito ay ang pagsu-supply ng manpower sa security sa North at South Luzon Expressway.
Ang isang opisyal ng PNCC ay nagtayo ng isang security agency at ito ngayon ang nagsu-supply ng mga security personnel sa PNCC. At ang pasuweldo rito ay galing din sa PNCC.
Ang mga security patrol sa SLEX ay pine-pressure pa ng isang opisyal upang manghuli nang manghuli ng motorista. Ang mga kokonti ang huling motorista at hindi maka-meet sa kanilang quota ay inilalagay sa pangit na posisyon.
Ayon pa sa aking bubuwit, talagang enterprising ang isang official sa PNCC sapagkat pati misis nito ay binigyan din ng kontrata sa PNCC.
Mantakin nyo, yung mga mahusay pang radio equipments ng mga patrol car ng PNCC ay pinalitan. Ang ipinalit dito ay mga radio equipments na isinuplay naman ng misis ng isang opisyal.
Ang malungkot dito, yung mga isinuplay na radio equipments ni Misis ay mga bulok. Ang mga ito ay galing pala sa kompanyang pinapasukan ng misis.
Kanya-kanyang raket na sila ngayon sa PNCC.
Ang kakapal ng mga mukha ninyo!
Ayon pa sa aking bubuwit, isang opisyal din ng PNCC ang nagpatayo ng bagong bahay sa Cavite.
Pero alam mo ba Commissioner Rama kung saan kinuha ang mga materyales sa ipinatayong bahay?
Ito po ay galing sa mga construction materials ng PNCC? Alam din ito ng ilang top officials ng nasabing government-owned corporation pero dehins sila bukiki sapagkat sila-sila ay may kanya-kanyang anomalya.
No wonder Madam President Gloria Macapagal-Arroyo kung bakit nalugi ang PNCC ng P282.9 million sa loob lamang ng anim na buwan ngayong taong kasalukuyan.
Yung ilang kupal pala sa PNCC na ginagamit pa ang pangalan ni Lord at ang Couples for Christ ay sila pala ang Lords of the Thieves.
Dapat Madam President ay paimbestigahan at kasuhan ang ilang kupal na opisyal diyan bago pa magka-hetot-hetot ang PNCC.
Ayon sa aking bubuwit, 112 days na lang at Pasko na naman. Sana naman ay hindi ipagkait ng mga employer ang bonus at 13th month sa kanilang mga empleyado.
Happy birthday muna kay Manong Max Soliven ng Philippine Star mula sa mga members ng Tuesday Club sa EDSA Plaza Hotel.
Paging Commissioner Dario Rama ng Presidential Anti-Graft Commission.
Ayon sa aking bubuwit, kung si Sen. Ramon Revilla ay binigyan ng Pajero ng DPWH, isang opisyal naman sa PNCC ang binigyan naman ng kotse ng MMDA.
Sino kaya ang counterpart ni Sen. Revilla sa PNCC? Pajero rin kaya ang ibinigay sa taga-PNCC?
Ayon sa aking bubuwit, ang ilan lamang sa mga kasong natuklasan sa PNCC ay ang mga project sa nasabing tanggapan.
Maraming mga kontrata ang pinasok ng mga opisyal in behalf of PNCC subalit ang mga kompanyang ito ay pag-aari rin ng ilang top officials.
Ang isang halimbawa rito ay ang pagsu-supply ng manpower sa security sa North at South Luzon Expressway.
Ang isang opisyal ng PNCC ay nagtayo ng isang security agency at ito ngayon ang nagsu-supply ng mga security personnel sa PNCC. At ang pasuweldo rito ay galing din sa PNCC.
Ang mga security patrol sa SLEX ay pine-pressure pa ng isang opisyal upang manghuli nang manghuli ng motorista. Ang mga kokonti ang huling motorista at hindi maka-meet sa kanilang quota ay inilalagay sa pangit na posisyon.
Mantakin nyo, yung mga mahusay pang radio equipments ng mga patrol car ng PNCC ay pinalitan. Ang ipinalit dito ay mga radio equipments na isinuplay naman ng misis ng isang opisyal.
Ang malungkot dito, yung mga isinuplay na radio equipments ni Misis ay mga bulok. Ang mga ito ay galing pala sa kompanyang pinapasukan ng misis.
Kanya-kanyang raket na sila ngayon sa PNCC.
Ang kakapal ng mga mukha ninyo!
Pero alam mo ba Commissioner Rama kung saan kinuha ang mga materyales sa ipinatayong bahay?
Ito po ay galing sa mga construction materials ng PNCC? Alam din ito ng ilang top officials ng nasabing government-owned corporation pero dehins sila bukiki sapagkat sila-sila ay may kanya-kanyang anomalya.
No wonder Madam President Gloria Macapagal-Arroyo kung bakit nalugi ang PNCC ng P282.9 million sa loob lamang ng anim na buwan ngayong taong kasalukuyan.
Yung ilang kupal pala sa PNCC na ginagamit pa ang pangalan ni Lord at ang Couples for Christ ay sila pala ang Lords of the Thieves.
Dapat Madam President ay paimbestigahan at kasuhan ang ilang kupal na opisyal diyan bago pa magka-hetot-hetot ang PNCC.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended