Ako po ay dating active Pag-IBIG member mula pa noong 1984. Mahigit 15 taon na po akong miyembro ngunit hindi na ako nakapagbayad dahil sa pagsara ng aming kompanya. Nag-mature na po ang aking Provident FUND noong Agosto, 2002.
Sa kasalukuyan, mayroon akong housing loan sa Pag-IBIG. Nais ko po sanang malaman kung maaari kong ibayad sa aking monthly amortization ang kabuuan ng kontribusyon ko. Ms. C. Alvarez
Maaaring makuha ng lahat ng miyembro ng Pag-IBIG ang kanilang Provident Savings pagkatapos ng 20 taong kontribusyon. Sa mga wala pang 240 monthly contributions, maaari po ninyong i-withdraw ang inyong mga `savings sa mga sumusunod na dahilan: Pagbitiw sa trabaho, pagsara ng kompanya, suspension at pagkakasakit.
Sa mga may kasalukuyang housing loan, maaari po ninyong ibayad ang inyong Provident Savings sa pamamagitan ng pag-fill-up ng application form sa tanggapan ng Claims Division, 1st Floor, Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City. Sa karagdagang impormasyon, maaari po kayong tumawag sa 811-4141.