Tulungan ang sarili
September 2, 2002 | 12:00am
KAHIRAPAN. Ito ang pangunahing suliranin ng ating lipunan. Ang ating gobyerno maging ang mga nakaraang administrasyon ay gumagawa ng paraan upang ito ay labanan, hindi man tuluyang magupo, mabawasan man lamang. Ngunit sa kabila ng mga programang inilulunsad ng pamahalaan upang tulungan ang mamamayan partikular ang mga mahihirap, nananatili pa rin itong bigo. Sa kabila ng kanilang mga pagsusumikap ng matugunan ang pangangailangan ng bawat Pilipino, hindi pa rin ito sapat. Puspusan man ang gawin nilang pagtitiyaga, wala pa rin itong kabuluhan. Gawin man nila ang mga bagay na sa akala nilay nararapat kung ang mismong tao na kanilang tinutulungan ay walang pakialam, ang kanilang mga pangarap ay mananatili lamang suntok sa buwan.
May mga pagkakataon na dahil sa matinding kahirapan na ating nararanasan ay naibabaling natin ang sisi sa pamahalaan. Kung hindi man sa kanila, sa mga taong nakaririwasa sa buhay na hindi man lang tayo maambunan ng kanilang mga biyaya. Ngunit napagtanto mo na ba kung sino ang higit na responsable sa lahat ng ito? Kung sino ang may higit na kinalaman sa mga pangyayaring ito?
Ikaw, ako, tayo. Tayong lahat ang responsable sa lahat ng ito. Tayo ang gumagawa para sa ating sarili dahil tayo ang nakaaalam kung ano ang makabubuti para sa atin. Ngunit paano natin magagawa ang makabubuti kung tayo mismo sa ating sarili ay umaasa na lamang sa iba? Bakit kaya? Dahil tayo ay naunahan ng kawalang pag-asa o di kayay nawawalan ng tiwala sa sarili. Hindi pa man natin ginagawa ay nauunawaan na tayo ng kaba. Takot na tayoy mabigo. Pagkabigo na pagkaminsay kayhirap tanggapin. Ngunit paano tayo magtatagumpay kung hindi natin susubukan? Oo ngat masakit mabigo ngunit alam ba ninyo na sa kabiguang ito ay may uusbong na pag-asa? Na may bagong lakas at tibay ng loob na maaring sumanib sa iyong katauhan? O di kayay, ito ang magdadala sa atin ng bagong kapalaran? Ito ay kung tutulungan natin ang ating sarili.
Minsan, nasasabi ng iba bahala na. Anong bahala na? Bahala na si Batman? Si Spiderman? O si Catwoman? Sino ba o anong bahala na? Saang palengke ba ito nabibili? Damit ba ito o pagkain? Ah basta, kung ano man ito, bahala na.
Ang masakit nga lamang, paano kung dahil sa bahalang ito ay dumating sa punto na wala nang makain ang iyong pamilya at ang iyong mga anak ay nag-iiyakan na sa gutom, bahala pa rin ba?
Tandaan natin, tayo ang pangunahing makatutulong sa ating sarili. Ang ating pamilya, kapwa at pamahalaan ay nariyan upang tayoy alalayan, magbigay-inspirasyon sa lakas ng loob. Nariyan sila upang gumabay at magbigay-liwanag. Hangad nila ang ating kaginhawahan at pagtatagumpay. Umaasa sila sa ating kakayahan. Sa kakayahan nating makipaglaban, humarap ng hamon ng buhay. Naniniwala sila na itoy ating mapagtatagumpayan, na itoy ating mapananaigan.
Kayat huwag natin silang biguin. Malaki ang tiwala nila sa atin. Simulan na ngayon ang paggawa. Ang magagawa ngayon ay huwag nang ipagbukas.
Manalig tayo sa ating kakayahan. Magtiwala tayo sa ating magagawa. At higit sa lahat, baunin natin ang pag-asa sa pag-ibig ng Diyos sa atin. Siyay nariyan at handang tumulong, naghihintay lamang Siya sa ating pagtawag.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended