^

PSN Opinyon

Ang pagpapakasakit

ALAY DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
SA Ebanghelyo ngayong Linggo, mayroong napakahalagang aral para sa atin na dapat matutunan at tanggapin ng bawat Kristiyano: Ang pangangailangang magpakasakit bilang pakikiisa sa mga paghihirap ni Jesus:

Ang Ebanghelyo’y mayroong mga nilalaman na dapat nating maingat na matutuhan. Hingin natin ang grasya na maunawaan at lakas-loob na isagawa ang mga ito sa ating buhay. Basahin natin ang Mt. 16:21-27.

‘‘Mula noon ay ipinaalam na ni Jesus sa kanyang mga alagad na dapat siyang magbata ng maraming hirap sa kamay ng matatanda ng bayan, ng mga punong saserdote at ng mga eskriba, at kanilang ipapapatay siya. Ngunit sa ikatlong araw siya’y muling mabubuhay. Niyaya siya ni Pedro sa isang tabi at pinagsabihan ng ganito: ‘Panginoon, huwag nawang itulot ng Diyos! Hindi po dapat mangyayari ito sa inyo’. Ngunit hinarap siya ni Jesus at sinabihan, ‘Lumayo ka, Satanas! Hadlang ka sa aking landas. Ang iniisip mo’y hindi sa Diyos kundi sa tao.’

‘Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, ‘Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin. Ang naghahanap na magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay siyang magkakamit noon. Ano nga ang mapapala ng isang tao, makamtan man niya ang buong daigdig kung ang katumbas naman nito’y ang kanyang buhay? Ano ang maibabayad ng tao para mabalik sa kanya ang kanyang buhay? Sapagkat darating ang Anak ng Tao na taglay ang dakilang kapangyarihan ng kanyang Ama at kasama ang kanyang mga anghel. Sa panahong yao’y gagantihin niya ang bawat tao sa kanyang ginawa.’’


Ang Pasyon ni Jesus ay hindi isang nakakalunos na sakuna. Ito ay bahagi at kabilang sa kapalaran ni Jesus. At ang bawat Kristiyano ay dapat makibahagi rito. Ang paghihirap o pagpapakasakit ay hindi isang layunin o katapusan. May kabuluhan lamang ito kung ito’y iuugnay kay Jesus. Kapag ang paghihirap o pagpapakasakit ay isinagawa bilang pakikiisa sa Pasyon ni Jesus, samakatuwid, kasama si Jesus, ang mga ito’y nagiging mapanubos. Sa sandali ng ating paghihirap o pagpapakasakit, ating inililigtas ang mundo kasama ni Jesus, na patuloy na nagliligtas magpahanggang ngayon.

Subalit tulad ng Pasyon ni Jesus, ang ating paghihirap o pagpapakasakit ay dapat magmula sa ating pagpapahayag at paninindigan sa katotohanan. Ang ating mga hirap at pasakit ay dapat manggaling sa ating pagtatanggol ng katarungan at dangal ng tao.

ANG EBANGHELYO

ANG PASYON

ANO

ATING

DAPAT

DIYOS

JESUS

KANYANG

KRISTIYANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with