^

PSN Opinyon

Prez.GMA, Sec. Datumanong and Ombudsman, take note

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
MAY 2.5 percent share sa mga contractors itong si James Dean, ang utak ng mga mandarambong sa tanggapan ng DPWH-Occidental Mindoro District Office at sa apat na buwan nitong pagkakaupo sa kanyang bagong kaharian ay kumita na ito ng million of pesos sa mga binaluktot na transaksyon. Prez GMA, Madame!

Bumili si James Dean ng isang brand new pick-up hindi nito ipinangalan ang sasakyan sa kanya at sa ibang tao niya ito pinangalan para nga naman walang ebidensya. Ang nasabing sasakyan ay kumikita ng P40,000 kada buwan porke pinarentahan niya ito sa DPWH? Sec. Datumanong, pakibusisi nga ito.

Matindi ang operasyon ng mga gagong ganid na pinamumunuan ni James Dean at mga kabig nitong sina Nelson Mabuhay, Oscar Mccaidodo at isang Agnes Gitara, nagsabwatan ang mga ito para tirahin ang multi-million project ng DPWH na hawak ng isang Hanjin?

Ayon sa mga kuwago ng ORA MISMO, ang West Mindoro Arterial Road Project ay pinagkikitaan nila ng malaki. Ito iyong payment sa road-right-of-way na ginagawa nilang palabigasan. Ang lupang ito ay pag-aari ng mga residente ng nasabing probinsiya na binibili ng gobyerno para gamitin sa kanilang mga future projects. Acting Ombudsman Margarito Gervacio Jr., Your Honor.

Si Nelson Mabuhay, na nakatalaga sa San Jose Occ. Mindoro ang siyang umaaktong negosyador at umaayos ng komisyon ng pangkat-kaliwa nina James Dean. ISAFP bossing Victor Corpuz, Sir.

Nagtataka ang mga kuwago ng ORA MISMO sa mga hunghang na ito kung bakit kailangan nilang unahin ang proyekto ni Senator Loren Legarda Leviste samantalang wala pang pondong nilaan para rito?

"Sino ang pinagmamalaki ni James Dean porke napakalakas ng loob nitong gamitin ang 15 percent mobilization fund sa construction project na ito. Siguro dahil sa malaki ang kitaan o dahil sa minamadali nilang makuha ang kanilang mga komisyon?" tanong ng kuwagong Kotong Cop.

"Matindi pala ang juggling of funds dito," naiiling na sabi ng kuwagong pulis na naglalanggas ng sariling galis.

"Dapat maimbestigahan ito ng Ombudsman para ma-swak ang mga gagong ganid," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"May imbestigasyon na, kamote."

"Tamo bigla na lamang mabubulaga ang mga corrupt."

"Ay, salamat!"

ACTING OMBUDSMAN MARGARITO GERVACIO JR.

AGNES GITARA

JAMES DEAN

KOTONG COP

MATINDI

NELSON MABUHAY

OCCIDENTAL MINDORO DISTRICT OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with