^

PSN Opinyon

Malisya ng Malaysia

- Al G. Pedroche -
DUMARAMI ang mga namamatay na Pilipinong idineport ng Malaysia sa Pilipinas mula sa Sabah na illegal aliens daw.

Marami sa mga Pinoy na ito’y sa Sabah na isinilang. Pero ayaw kilanlin ng Malaysia kasi’y Pilipino ang mga magulang. Mga Pilipinong wala raw dokumento.

Hindi lang Pilipinas ang may ganitong problema. Pati mga Indones at iba pang nasyonalidad na sinasabing illegal aliens ay ipinatatapon ng Malaysia. Tila Ethnic cleansing ang nangyayari.

Dahil sa galit, may mga Indones na nagprotesta sa harapan ng embahada ng Malaysia sa Indonesia. Sinunog ang Malaysian flag.

Wala tayong magawa.
Ni hindi sinagot ng Malaysia ang pamasahe ng mga idini-deport na Pinoy. Nataranta ang ating pamahalaan. Saan ilulugar ang mga Pilipinong ito na mahigit sa isandaang-libo? Ano’ng trabaho ang ibibigay sa mga ito?

Marami sa mga bata ang namamatay sa gutom. Problemang malaki ito ng pamahalaan na walang nagawa kundi magsampa ng diplomatic protest sa Malaysian government.

Magkaroon sana ng konsensya ang Malaysia. Ang Sabah ay orihinal na bahagi ng Sulu. Hiniram lang ng Britanya sa Sultan ng Sulu nang sakop pa nito ang Malaysia. Pero nang bigyan ng liberasyon ang Malaysia, hindi na ito naibalik sa Pilipinas.

Tuloy ang paghahabol ng Pilipinas sa Sabah. Tama ang sinabi ni Rep. Imee Marcos.

Habang wala pang pasya sa paghahabol na ito, ang mga Pinoy na nasa Sabah ay hindi dapat ituring na ilegal.

Dapat masinsinang makipag-negosasyon ang Pilipinas sa Malaysia. Ipamukha sa kanila na wala silang karapatang api-apihin ang mga Pilipinong nasa lupaing hindi pa lubusang matatawag na teritoryo ng Malaysia.

Madaraan iyan sa magandang pag-uusap.

Matutuwa ang Malaysia kung tuluyang bibitiw ang Pilipinas sa paghahabol sa Sabah.

Kung ako ang magpapasya, ititigil ko na ang paghahabol sa isang kondisyon: Kilalanin ng Malaysia ang mga Pilipinong naroroon at ituring na mga tao. Dokumentado man o hindi.

Para sa ’kin, hindi na dapat pag-interesan pa ng Pilipinas ang Sabah. Ito nga lang mga islang bumubuo ng Pilipinas ay nahihirapan tayong i-manage, idaragdag pa ang Sabah? Ibigay na lang sa Malaysia kapalit ng espesyal na konsiderasyon sa mga Pinoy, lalo na yaong matagal nang mamimirmihan doon.

Kung hindi, baka lalo lamang lumawak ang teritoryo ng mga teroristang Abu Sayyaf.

ABU SAYYAF

ANG SABAH

IMEE MARCOS

MALAYSIA

PILIPINAS

PILIPINONG

PINOY

SABAH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with