Editoryal - Linisin ang bangketa sa malalaswang babasahin
August 29, 2002 | 12:00am
ABALA si President Gloria Macapagal-Arroyo sa pagdurog sa mga masasama sa lipunan. Kapag may nahuhuling suspek ay kasama siyang kukunan ang mga ito ng retrato. Nagpapakita siya ng katigasan sa mga halang ang kaluluwa at nagpapakilalang hindi siya kaya. Hindi lamang si Mrs. Arroyo ang nakikitang abala sa ngayon. Maski ang bagong chairman ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ay walang tigil sa paghabol sa mga matitigas ang ulong vendors. Nagbanta na bubuhusan ng gas ang paninda ng mga vendors kapag hindi sumunod sa kanyang kautusan.
Habang abala ang gobyerno marami pa rin naman silang hindi nakikita na lumalason sa isipan. Sa mga bangketa ngayon ay kapansin-pansin na ang pagkalat ng mga malalaswang babasahin (tabloid at magazine) na lantaran nang itinitinda. Nakabuyangyang ang mga katawan ng babae at lalaki at maski mga bata ay nasusulyapan na ang mga malalaswang retrato. Karamihan pay sa mga malalapit sa school nakalatag ang mga malalaswang babasahin.
Sa kahabaan ng Rizal Avenue sa Maynila ay kapansin-pansin ang mga babasahin na pawang makukulay at nag-aanyaya sa mga nagdaraan. Ibat ibang posisyon ng mga babae at kaparehang lalaki na nagsi-sex. Walang ipino-promote kundi ang kalaswaan at matatawag nang masahol pa sa pornograpiya.
Kamakailan ay isang mayor sa Metro Manila ang nag-utos na kumpiskahin ang mga malalaswang babasahin at magazine. Nagbanta na aarestuhin ang mga magtitinda ng malalaswa sa kanyang bayan. Ngayoy tila nawala na ang kampanya ng mayor at balik ang mga malalaswang babasahin sa bangketa. Mas kumapal pa at parang kabuteng nagsulputan.
Maraming moralista sa bansang ito subalit bakit hindi i-rally ang pagdami ng mga malalaswang babasahin. Bakit hindi sila magsimula sa kampanya at makipag-ugnayan kay Fernando ng MMDA para maging madali ang pagwalis sa mga nagtitinda ng malalaswa.
Hindi lamang mga malalaswang babasahin ang patuloy na kumakalat sa kasalukuyan kundi pati na rin mga malalaswang panoorin sa mga pekeng CD. Kahit patuloy si Video Regulatory Board (VRB) Chairman Bong Revilla sa pagdurog sa mga pekeng CD ay wala pa ring tigil sa pagbebenta sa Quiapo at Sta. Cruz, Manila.
Marami pang hindi nakikita ang mga opisyal ng pamahalaan kaya dapat nilang tingnan ang iba pang lason sa kaisipan ng mamamayan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended