Ang kanyang pagkamangha ay nakumpleto nang makarating siya sa mansiyong paglilingkuran. Ang opisina lamang ng guwardiya ay kasinglaki ng palayan ng kanyang ama. Hangang-hanga siya sa laki ng bakuran.
Isang araw nakita niya ang pinakaloob ng mansion habang wala ang kanilang mga amo at nasa ibang bansa.
Nakita ng magsasaka ang swimming pool na hugis inidoro. Hindi niya alam na iyon ay swimming pool. Natulala ang magsasaka nang masalamin ang kanyang mukha sa malinis na tubig. Naglakad siya sa gilid ng pool. Sa labis niyang kuryosidad, lumuhod siya upang ilubog ang kanyang kamay sa tubig. Subalit nadulas siya kaya nahulog sa pool.
Lumubog-lumitaw siya sa tubig. Hindi siya marunong lumangoy. Nagsisigaw siya.
Hanggang dumating ang kusinero at tinulungan siyang makaahon sa pool.
Bat ka nahulog sa swimming pool? Tanong ng kusinero.
Swimming pool? Di ba toilet bowl ito?