Ang kauna-unahang halal na pangulo ng Supreme Council ng Katipunan ay si Deodato Arellano. Sa kanyang bahay sa 72 Azcarraga, Maynila, itinatag ang Katipunan. Sumunod kay Arellano bilang pangulo ay si Roman Basa.
Isang estudyante ng medisina si Pio Valenzuela nang sumapi sa Katipunan at isa pa ring founding member ng KKK ay si Ladislao Diwa. Tubong Tondo si Teodoro Plata na siyang kalihim ng Supreme Council ng KKK. Si Emilio Jacinto ay kalihim ni Bonifacio at sumulat ng cartilla, ang membership pledge ng Katipunan.
Katotohanan ang bansag kay Braulio River na namuno ng mga Katipunero sa Tondo. Ang maybahay ni Andres Bonifacio na si Gregoria de Jesus ay tinaguriang Lakambini ng Katipunan. Katuwang si Benita Rodriguez Javier, ginawa nila ang kauna-unahang watawat ng Katipunan.
Sa gulang na 13 sumanib si Delfina Herbosa-Natividad sa Katipunan. Ang pamangking ito ni Jose Rizal ay nakatulong ni Marcela Agoncillo sa paggawa ng kauna-unahang watawat ng Pilipinas.
Si Guillermo Masangkay ay isa sa pinagkakatiwalaan ni Bonifacio. Mga dakilang Katipunero rin sina Pedro Paterno, Mariano Llanera, Daniel Tirona, Pantaleon Garcia, Tomas Mascardo, Baldomero at Crispulo Aguinaldo, Isidoro Torres ng Malolos, Bulacan na tinaguriang Matang Lawin at si Julian Felipe na Kompositor ng Philippine National Anthem.
Marami pang mga bayaning Pilipino na dapat na alalahanin at pasalamatan sa kalayaang tinatamasa ng kasalukuyang henerasyon.