Editoryal - Di na dapat pansinin ang patay na si Sabaya
August 25, 2002 | 12:00am
MAAARING tama si Lamitan parish priest Cirilo Nacorda na nakipagkutsaba ang mga matataas na opisyal ng military sa mga Abu Sayyaf kapalit ng malaking halaga ng pera para makatakas noong nakaraang taon. Pero mahirap mapaniwalaan ang bago niyang "bomba" na buhay pa si Abu Sabaya, spokesman ng mga bandido. Ayon kay Nacorda, nakatanggap siya ng third-hand information na may nakakita kay Sabaya sa Basilan makaraang maireport na napatay ito ng military noong June 21. Buhay na buhay pa umano si Sabaya. Ang pagbubulgar ni Nacorda ay ginawa makaraang mamugot na naman ng ulo ang mga pinaghihinalaang bandido sa Sulu noong Martes. Anim na preachers ng Jehovahs Witnesses ang kinidnap ng mga bandido at dalawa rito ang kanilang pinugutan. Ang mga ulo ay natagpuan sa palengke ng Sulu. Nananatiling hawak pa ng mga bandido ang mga hostages at humihingi ng ransom. Ang mga kamag-anak ng pinugutan at hostages ay nagngangalit ang kalooban sa matinding galit sa mga bandido. Saan umano sila kukuha ng perang pang-ransom gayong mahirap lamang sila.
Panibagong bomba na naman nga ang pinasabog ni Nacorda at natutuliro ang military kung paano sasagutin ang isinisiwalat ng pari. Sinabi ng military na walang katotohanan ang sinabi ni Nacorda na buhay si Sabaya sapagkat si President Gloria Macapagal-Arroyo umano ay napanood ang enkuwentro ng gabing mapatay si Sabaya. Nakunan umano ng video ang labanan at tinamaan si Sabaya at nahulog sa tubig kasama ang dalawa pang bandido. Ang lugar na kinahulugan ni Sabaya ay maraming pating. Tatlo sa mga kasamahang bandido ni Sabaya ang nadakip.
Malaki ang aming paniwala na napatay na si Sabaya at kinain na ito ng pating o kung anumang hayop sa lugar na kanyang kinahulugan. Kung totoong buhay pa siya gaya ng sinabi ni Nacorda, sana ay matagal na siyang lumantad at pinagtawanan ang military. Mayabang si Sabaya.
Marami pang matataas na pinuno ang mga bandido at mas matinik pa kay Sabaya at maaaring sila ang nag-utos ng panibagong pamumugot sa Sulu.
Hindi na dapat pinapansin ng military si Nacorda at ang dapat gawin ay habulin at pagbayarin ang mga bandidong namugot ng ulo. Kaysa sa intindihin ang "bomba" ni Nacorda, ang pagdurog sa mga bandido ang dapat bigyang pansin. Mas makabubuti pa ito kaysa pagbuhusan ng pansin ang bagong "palabas" ni Nacorda.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended