^

PSN Opinyon

Walang driver's license nang makasagasa

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
ANG pagmamaneho ng walang lisensiya ay maaring magdulot ng pagkatanggal sa trabaho, katulad ng nangyari sa kaso ni Doming.

Si Doming ay empleyado ng isang multinational bottling company sa mahigit 18 taon. Nagsimula siya bilang assistant mechanic hanggang maging advertising foreman.

Isang araw, habang minamaneho niya ang company truck sa pagkakabit ng mga panel signs, nadaplisan niya ang 10 anyos na batang babae. Nagkalamat sa bungo ang bata at nangailangan ng surgical operation. Tumagal ng isang buwan sa hospital ang bata at umabot ang gastos sa P19,534.45.

Kahit naka-seguro ang truck ng kompanya hindi binayaran ng insurance company ang mga gastusin dahil napag-alaman nito sa police na walang driver’s license si Doming nang mangyari ang aksidente.

Nagkaroon ng sariling imbestigasyon ang kompanya at binigyan ng pagkakataon si Doming na magpaliwanag at idepensa ang sarili. Pinagbawalan na pala si Doming ng kompanya sa pagmamaneho dahil nga nawala nito ang kanyang lisensiya. Nakapagmaneho lang siya muli nang nakakuha na siya ng bagong lisensiya. Ngunit lumabas sa imbestigasyon ng pulis na ang lisensiya niya ay naisyu lamang isang linggo pagkatapos ng aksidente.

Ayon sa alituntunin ng kompanya kung ang pinsala sa kompanya ay humigit sa P5,000 ang empleyado ay tatanggalin sa trabaho. Dahil nga umabot ang pinsala sa kompanya ay P19,000, si Doming ay tinanggal sa trabaho.

Tinutulan ito ni Doming at nangatwiran siya na makaraan ang 18 taong matapat at walang dungis na serbisyo, at ito pa lang ang kanyang unang paglabag. Hindi raw siya dapat matanggal. Tama ba si Doming?

Mali.
Ang pagkakatanggal ni Doming ay batay sa alituntunin ng kompanya. Ito nga ang una niyang paglabag subalit ang dulot nitong pinsala sa kompanya ay humigit pa sa P5,000 na kung saan ay may kaukulang pagkakatanggal sa trabaho.

Ang mga patakaran at alituntunin ng kompanya ay karaniwang balido at nagbibigkis sa mga partido maliban na lamang kung ito ay malinaw na mapang-api o labag sa batas. Ito ay dapat na sundin at naaayon.

Ayon sa Labor Code (Artikulo 282), ang serbisyo ng empleyado ay maaaring putulin dahil sa kusang hindi pagsunod. Ang kusang hindi pagsunod ay may dalawang elemento: una, ang aksyon ng emplyeado ay sinadya o intensyonal, malinaw na maling pag-uugali; ikalawa, ang patakarang nilabag ay makatwiran, legal, nauunawaan ng empleyado at may kaugnayan sa kanyang tungkulin na dapat gawin. Sa kaso ni Doming, siya ay napatunayang nagmamaneho ng walang lisensiya, isang sinadya at intensyunal na paglabag sa alituntunin ng kompanya na may kaugnayan sa kanyang tungkulin. Hindi siya maaaring ibalik sa kanyang trabaho at bayaran ng backwages.

Subalit, kung isasaalang-alang na ito ang una niyang paglabag sa loob ng 18 taon niyang serbisyo sa kompanya, si Doming ay may karapatan sa separation pay ng 1/2 month pay sa bawat taon ng kanyang serbisyo. (Aparente Sr., vs. NLRC 117652 April 27, 2000).

APARENTE SR.

ARTIKULO

AYON

DAHIL

DOMING

KOMPANYA

LABOR CODE

SI DOMING

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with