^

PSN Opinyon

Speed bagal ang CPD?

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
KAPAG hindi binigyan ng tamang aksyon ng mga kapulisan ng CPD ang reklamo ng mga residente ng UP-Sikatuna Bliss laban sa mga adik at akyat-sampayan ay sinisiguro ng mga kuwago ng ORA MISMO na maghahalo ang balat sa tinalupan.

Takot pero armado ang ilang mga residente ng nasabing lugar at naghihintay lamang ng tamang oras na mabitag ang mga adik na magnanakaw na nagtri-tripping sa harapan ng building 7 at sa may basketball court nakatambay ang ilan sa mga gagong ito.

Nagrambulan ang grupo ng mga gagong adik sa harapan ng building 7 noong Martes ng gabi (Aug. 20) umaatikabong batuhan ng mga nagliparang bote ng softdrinks samantala ang mga residente dito ay nagdarasal sa kani-kanilang mga santong pinaniniwalaan na sana ay huwag tamaan ang mga kotse nilang nakaparada.

Walang pulis kamoteng dumating?

Malayang nakatambay pa raw sina Ber, ang batikang magnanakaw at Batotoy, ang dupang na adik sa nabanggit na lugar.

Nasa likuran lamang ng CPD headquarters ang UP-Sikatuna Bliss pero tipong mga bingi’t bulag ang mga kamoteng kapulisan dito?

Isang complaint letter ang isinumite ng mga residente kay QC Mayor Sonny Belmonte noong Aug. 9, dakong 10 a.m. Si Nanette ang tumanggap ng nasabing sulat para ireklamo at idulog ang kanilang hinaing sa nangyayaring milagro gawa ng mga adik sa kanilang lugar.

August 8, sa tanggapan ni CPD bossing Rodolfo Tor natanggap ang sulat din ng mga residente siyempre pulis muna dapat ang mauna sa reklamo ng mga residente.

August 9, ay nagbigay din ng complaint letter sa tanggapan ni Vice Mayor Herbert Bautista at si Nene ang siyang tumanggap ng sulat.

August 9, din ng ibigay nila kay Mel Advincula, Barangay Chairman ang kanilang reklamo pero mukhang tulog si Chairman ng mga oras na iyon kasi hanggang ngayon ay lalong dumami ang mga gagong addict at walang aksyong nangyari.

"Mukhang dumarami ang mga addict sa lipunan," sabi ng kuwagong Kotong cop.

"Siyempre maraming patong di ba may mga pulis pa nga nahuhuli na kasabwat sa drug dealing," sagot ng kuwagong haliparot sa kabaret ng Caloocan.

"Ano ang dapat gawin para matigil ang mga ito?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Dapat sigurong ikalat sila sa kalye at saka pa-pik-up sa funeral homes."

"Tiyak magpipista ang mga kamoteng pulis."

"Bakit?"

"Siyempre may porsiyento sila sa bawat patay na makukuha ng funeral parlors."

"Ganoon ba?"

BARANGAY CHAIRMAN

MAYOR SONNY BELMONTE

MEL ADVINCULA

RODOLFO TOR

SI NANETTE

SIKATUNA BLISS

SIYEMPRE

VICE MAYOR HERBERT BAUTISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with