^

PSN Opinyon

Ang talinghaga ng mahalagang lupa

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen.Juan M. Flavier -
ANG baryo ay ordinaryong sakahan lamang na kakaunti ang naninirahan. Makipot ang kalsada kaya bihira ang sasakyang pumapasok doon. Subalit nang magdesisyon ang mga mambabatas na ilipat ang kapitolyo sa tabi ng baryo ay umunlad ito at nalapit sa sibilisasyon.

Tuwang-tuwa ang mga magsasaka sapagkat nagmay-ari sila ng mamahaling lupain. Nagsusulputan kahit saang dako ang mga matataas na gusali.

Isang araw, isang mayamang negosyante ang nag-alok sa mga magsasaka para bilhin ang kanilang mga lupa. Mataas ang alok dahil sampung beses ang taas.

Lahat ay nagbenta ng lupa maliban sa isang magsasaka. Tumanggi siya sa alok ng negosyante. Inalok ng negosyante sa presyong dalawampung ulit na mas malaki. Ayaw ng magsasaka.

Inalok siya ng sampung milyong piso. Ayaw pa rin ng magsasaka. Hanggang sa ihayag nito ang planong pagtatayo ng punerarya. Nataranta ang negosyante at pinuntahan ang magsasaka at inalok ng P20 milyon.

"Gawin mong P25 milyon," sabi ng magsasaka.

Pumayag ang negosyante. Nagbayaran.

Isang kaibigan ng magsasaka ang nagtanong "Talaga bang plano mong magtayo ng punerarya?"

Tumawa ang magsasaka "Hindi, pero alam kong iyon ang paraan para pumayag ang negosyante na bilhin ang ang aking lupa sa presyong gusto ko."

vuukle comment

AYAW

GAWIN

HANGGANG

INALOK

ISANG

LAHAT

MAGSASAKA

MAKIPOT

MATAAS

NAGBAYARAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with