^

PSN Opinyon

Pagtulog sa oras ng trabaho

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
SI Bert ay nagtatrabaho bilang quality control inspector sa kompanya na pabrikador ng liquefied petroleum gas (LPG) cylinders. Ang kanyang pangunahing tungkulin ay ang pagsisiyasat ng mga posibleng depekto ng mga cylinders. Sumasahod siya ng P155 sa isang araw.

Makaraan ang matapat at walang dungis na siyam na taong serbisyo sa kompanya, isang insidente ang nangyari na nagresulta ng kanyang dismissal. Isang araw, nagkaroon ng pagkakataon ang presidente ng kompanya na libutin ang pabrika. Napansin nito si Bert na nakaupo at nakapikit ang mga mata. Sa paniniwalang natutulog si Bert sa oras ng trabaho, ipinag-utos ng presidente sa personnel department na sulatan ng abiso si Bert at hingin ang kanyang paliwanag sa loob ng 24 oras. Ayon sa tuntunin ng kompanya, ang pagtulog sa oras ng trabaho ay may kaparusahan ng separasyon sa serbisyo. Ang tugon ni Bert ay "Sir, ipagpaumanhin po ninyo kung nakapikit ako sa aking puwesto dahil hinihintay ko po ang niliha ni Abet para i-quality control ko. Pasensya na po kung hindi ko namalayan ang pagdaan ninyo dahil maingay po ang painting booth."

Bagaman nagpaliwanag na at itinanggi niya ang paratang ng quality control department head ng kompanya, natanggal pa rin si Bert sa trabaho. Tama ba ang pagkakatanggal sa kanya?

Mali.
Sa usaping terminasyon, kailangang patunayan ng kompanya na ang pagtanggal sa isang manggagawa ay base sa makatarungan at balidong dahilan sapagkat nakataya rito lamang ang nasabing trabaho kundi na rin ang regular na sahod na pinagkukunan ng kabuhayan ng kanyang pamilya.

Ang alegasyon ng kompanya ay hindi napatunayan base sa substantibo at mapanghikayat na ebidensya.

Ang pagtulog sa oras ng trabaho ay hindi legal na basehan ng dismissal maliban na lamang kung ito ay security guard na nangangailangan ng listong pagbabantay laban sa nakawan at kawalan.

Ang pagtanggal kay Bert makaraan ng siyam na taong matapat at walang dungis na serbisyo sa kompanya ay malupit lalo na’t ito’y base lamang sa paniniwalang siya’y natutulog, walang ebidensya ng intensyong pagsuway sa kompanya, hindi rin naman ito nakapinsala sa kompanya. Hindi rin napatunayan na ang kanyang kapabayaan sa tungkulin ay garapal at kinagawian na.

Si Bert ay dapat maibalik sa kanyang trabaho. (VH Manufacturing Inc. vs. NLRC et. al. 130957 January 19, 2000)

AYON

BAGAMAN

BERT

ISANG

KANYANG

KOMPANYA

MAKARAAN

MANUFACTURING INC

NAPANSIN

SI BERT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with