Chiching ng isang opisyal pinapaliguan ng red wine bago sila magtalik

ALAM n’yo bang pinapaliguan pala ng isang opisyal ng pamahalaan ang kanyang chiching bago sila magtalik?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Sen. Tito Sotto, Rep. Luis "Baby" Asistio ng Caloocan City; Rep. Joaquin Chipeco ng Laguna; Rep. Emily Lopez ng Guimaras; Engr. Adlai Cabuyadao ng DPWH at Bobby Cristin ng Univet.
* * *
Alam n’yo ba ang dahilan kung bakit malakas ang sex appeal sa mga kababaihan ng isang opisyal ng pamahalaan?

Ayon sa aking bubuwit, talagang hindi pala makakalimutan ng isang maganda at seksing chiching ang kanyang lover boy na opisyal sapagkat ito ay napaka-romantiko.

Kahit medyo matanda na ang nasabing opisyal, ito ay nakaka-inlab daw dahil bukod sa maraming pera, ito ay marami pang seremonyas sa pakikipagtalik.

Ang hindi makakalimutan ng chiching ng opisyal ay ang kanilang mainit na romansahan.

Na bago sila magtalik ay pinaliliguan siya ni Sir ng mamahaling red wine.

Hanep namang romansahan ’yan.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang red wine na ipinampapaligo ng government official sa kanyang chiching bago sila magtalik ay red wine na Don Perignon.

Alam n’yo ba kung magkano ang halaga ng isang bote niyan? Tumataginting na US$120!

I-multiply n’yo ng P50.00 eh di aabot ’yan ng P6,000. Diyos ko pong mahabagin, mortal sin sa aming mga Ilocano ’yan.

Sobra pa sa halaga ng sahod ko sa isang buwan ang ipinampapaligo ni Sir sa kanyang chiching.

Pagkatapos ipaligo ni Sir ang red wine sa maganda, sexy at maputing katawan ng chiching ay unti-unti niya itong didilaan hanggang sa malasahan ang katas ng... katas ng red wine na Don Perignon.

Hanep ka Sir, ang galing-galing mo naman idol. Hindi ka lang gigolo kundi guwapo na, macho pa.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang chiching ng government official na pinapaliguan ni Sir kapag sila ay nagtatalik ay isang flight attendant.

Siya ay itago na lang natin sa pangalang Ms. W. as in Wings.

At ang lover boy naman niyang government official na masyado palang romantiko ay si... siya ay dating residente sa tabi ng Pasig River. Siya ay si Mr. J. as in Joy.

Show comments