Sa ating justice system ang mga akusado ay mas maraming karapatan kaysa sa mga biktima, katulad ng Right Against Self-Incrimination, pagpili ng sariling abogado at ng Right to Meet Witnesses na nakasaad sa Bill of Rights. Ang dahilan daw ng pagbibigay ng karapatan sa mga akusado ay ganito: Mas mabuti na raw magpawalang-bisa ng kaso ng isang akusado kaysa magpakulong nito na hindi sigurado ang pagkakasala.
Marami sa mga nasa-bilangguan ang hindi nabibigyan ng tulong ukol sa wastong paglilitis dahil sa kahinaan ng mga abogadong nagdepensa sa kanila. Kakaunti na rin kasi ang mga law graduates na pumupunta sa Public Defenders Officers o sa mga Prosecutors Office.
Ang mga matatalinong law graduate ay kinukuha ng mga malalaking kompanya para maging corporate officers. Ito ang dahilan kaya dumarami ang mga akusado na hindi malitis ng hukuman.
Sa kabilang dako naman kung ang sitwasyon ay normal, ibig sabihin ang mga akusado ang nabibigyan ng mabilis na paglilitis.
Hindi siguro dapat magdamdam ang mga akusado kung sila ay talagang gumawa ng masama at mabigyan ng kaparusahan dahil kung hindi naman nila ginawa ang karahasan ay wala namang biktima tayong pag-uusapan.