^

PSN Opinyon

Mga babaing nasa 50-60 anyos ang nagkaka-cancer sa uterus

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
MGA may gulang nang kababaihan (karaniwang nasa 50 hanggang 60 anyos) ang nagkaka-cancer sa uterus. Ang pinaka-pangunahing sintomas ng cancer ay ang abnormal na pagdurugo. Ang cancer sa uterus ay ang pagtubo ng malignant cells sa womb o sa uterus.

Ang abnormal na pagdurugo ay karaniwang nangyayari sa mga post-menopausal women. Nagaganap sa sandaling tumigil ang pagregla at susundan ito ng watery discharge na may kasamang dugo. Sa mga pre-menopausal women, ang abnormal bleeding ay nangyayari subalit wala itong kaugnayan sa pagreregla.

Ang mga babaing may sintomas ng abnormal bleeding ay kinakailangang kumunsulta agad sa doktor upang masuri. Kapag kumalat na ang cancer, maaari itong ikamatay ng pasyente.

Ang pagkakaroon ng cancer sa uterus ay hindi malaman kung saan nagmumula pero iniuugnay ito sa pagkakaroon ng diabetes at doon sa mga may history ng breast at ovarian cancer sa pamilya. Pinaniniwalaan din na dahilan ang tungkol sa menstrual cycles kung saan ang itlog ay hindi na-released at walang input ng progesterone. Dahilan din ang estrogen therapy, ganoon din ang mga overweight at iyong mga may high blood pressure at may problema sa hormonal imbalance.

Ang paggamot sa cancer sa uterus ay kinapapalooban ng operasyon. Aalisin ang womb (kung tawagin ay hysterectomy) at ganoon din ang obaryo at fallopian tubes. Ang pagsasailalim sa radiotheraphy at progesterone treatment ay kinakailangan din. If the cancer can be detected early and given proper treatment, prognosis is quite good for the majority of patients.

AALISIN

ABNORMAL

CANCER

DAHILAN

DIN

KAPAG

NAGAGANAP

PINANINIWALAAN

UTERUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with