^

PSN Opinyon

Talinghaga ng mapanirang kalabaw

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
ANG magsasaka ay matindi ang pagpapahalaga sa buhay. Kung maaari, hindi siya papatay kahit langgam o langaw. Ang panuntunang ito sa buhay ay nakikita sa malumanay niyang mga galaw. Ang kanyang tinig ay malumanay at ang kanyang kilos ay simple.

Ang magsasaka ay may alagang kalabaw na ubod ng tigas ang ulo. Gayunman, patuloy niyang pinangangalagaan ang kalabaw para sa pangangailangan sa bukid. Mahal niya ang kalabaw.

Hindi naman napapansin ng kalabaw ang kabutihan ng magsasaka at lalong naging bayolente at matigas ang ulo. Naging mapanira na taliwas sa katauhan ng amo nito.

Isang araw nag-amok ang kalabaw. Naghasik ng takot sa buong baryo na nagresulta sa pagkasira ng mga pananim na gulay at mga bakod.

Hinabol ng kalabaw ang mga bata sa baryo. Kinailangan pang habulin ng magsasaka ang hayop upang maiwasan ang trahedya. Nahuli ng magsasaka ang kalabaw at hinila ito sa ilalim ng kanyang kubo.

Sa isang malumanay na tinig, sinabi ng magsasaka sa kalabaw: "Alam mong pinipigilan ako ng aking paniniwala na barilin ka. Alam mo rin na hindi kita kayang latiguhin ng buntot page."

Huminto siya na tila binibigyan ng pagkakataon ang kalabaw na isipin ang kanyang sinasabi. Ipinagpatuloy ng magsasaka ang pagsesermon na bahagyang itinaas ang boses. "Pero dapat mong malaman na maaari kitang ibenta sa ibang magsasaka na hindi magdadalawang-isip na latiguhin ka kundi man ay barilin."

ALAM

GAYUNMAN

HINABOL

HUMINTO

IPINAGPATULOY

ISANG

KALABAW

KINAILANGAN

MAGSASAKA

NAGHASIK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with