Sino'ng may sabing crime does not pay ?
August 12, 2002 | 12:00am
"ONLY in the Philippines", bulalas-hinagpis ng isang kaibigan.
Aniya, isang opisyal ng gobyerno ang sumailalim sa in-house probe, napatunayang dapat managot sa katiwalian pero imbes na parusahan ay na-promote pa!
Dati raw itong project director ng NAPOCOR na na-promote bilang manager ng Caliraya-Botocan-Kalayaan (CBK) power complex, ang pinakamalaking planta ng NAPOCOR. Aba, kung totoo itoy talagang distorted na ang sense of justice nating mga Pinoy.
Isa-isahin muna natin ang mga pangyayari.
Noon daw 1996, kinontrata ng NAPOCOR ang consortium ng ABB-Siemens sa pagtatayo ng Sucat-Araneta-Balintawak power transmission project. Ang mapalad na opisyal na ito na itinalagang project director ay si M.R. Abesamis.
Bilang project director, dapat niyang siguruhin ang pagsunod ng consortium sa kontrata.
Anang kaibigan ko, imbes na protektahan ang interes ng gobyerno, pumasok sa isa pang supplemental agreement ang opisyal na ito sa ABB- Siemens. Ang ibang gawain tulad ng backfiling, spreading and compaction of access roads and towers sites ay inalis sa poder ng consortium.
Isinalin ang mga gawaing ito sa panibagong kontratista, ang Alfine Construction sa halagang P10-million.
Napansin ang iregularidad na ito. Binara ng NAPOCOR (not under Guido Delgado) ang transaksyon at pina-imbestiga sa Internal Audit Department (IAD) na nagsabing "highly irregular" ang transaksyon.
Katuwiran ng opisyal, may verbal authorization daw siya mula sa NAPOCOR chief noon na si Guido Delgado na pasukin ang supplemental agreement sa ABB-Siemens. Pero sabi naman ng IAD, ang ganoong "verbal authorization" ay hindi nagkakaloob ng poder sa kanya para lumagda sa supplemental agreement.
Iminatuwid pa ng opisyal na malaki ang matitipid ng gobyerno sa P10 milyong kontratang pinasok sa Alfine. Paanong mangyayari ito kung ang mga ipinasang gawain sa Alfine ay nakapaloob na sa kontrata sa ABB-Siemens?
Ang rekomendasyon ay kasuhang administratibo ang opisyal na ito bukod pa sa criminal charges.
Pero hangga ngayoy walang isinampa na kaso at sa halip, itinaas pa raw sa tungkulin itong si M.R. Abesamis.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest