Reklamo sa homeowners association
August 11, 2002 | 12:00am
Dear Sec. Mike Defensor,
Ako po ay nakabili ng house and lot sa isang subdivision dito sa Cainta. Naging miyembro ako ng Homeowners Association (HOA). Ang amin pong problema ay tungkol sa mga offers ng amin HOA, ayon po sa aming konstitusyon at by-laws ay hanggang dalawang taon lamang ang kanilang panunungkulan subalit halos tatlong taon na ang nakakalipas ay hindi pa rin nagpapatawag ng eleksiyon. Ang dagdag po naming reklamo ay nangongolekta sila ng membership dues subalit wala naman kaming nakikitang proyektong ginagastusan. Ayaw din nilang ipakita ang libro ng aming HOA dahil hindi nila maipaliwanag kung saan napupunta ang aming pondo.
Ilang beses na po naming naiparating sa kanila ang aming mga reklamo sa aming mga regular na meeting subalit hanggang ngayon ay wala pa rin silang aksiyon. Malaki rin po ang nalikom na pondo ng aming HOA ngunit hanggang ngayon ay wala kaming napapakinabangan. Ano po ba ang puwede naming gawin? Sana po ay matulungan ninyo kami. Marami pong salamat. Michael Andres
Sa mga sigalot sa pagitan ng mga opisyales at miyembro ng mga HOA, ang aming ipinapayo ay daanin ito sa pag-uusap. Karaniwang sa mga konstitusyon at by-laws ng mga HOA ay may nakasaad na paraan kung papaano malulutas ang mga ganitong problema sa pamamagitan ng grievance procedure. Kung sakali mang hindi uubra ang ganitong proseso o kaya naman ay hindi kayo kuntento sa naging resolusyon sa grievance procedure ay maaari kayong magsampa ng reklamo sa Housing and Land Use Regulatory Board. Ang HLURB ang ahensiya ng pamahalaan na inatasang lumutas sa mga ganitong reklamo. Maaari kayong magsadya at sumulat sa Housing and Land Use Regulatory Board, Kalayaan Avenue, Diliman, Quezon City. Mangyari lamang na ilagay nyo sa sulat ang inyong mga reklamo. Bibigyan ng pagkakataon ang mga inirereklamo na magprisinta ng kanilang panig at batay sa mga pagpupulong, pag-uusap at mga dokumentong isusumite ay magbibigay ng kapasyahan ang HLURB.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended